Read the English Version of this article: Investing in a UITF



SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Investment 101
NEXT TOPIC: Ang Pag-i-invest sa Mutual Fund

Natalakay na natin ang tungkol sa mga investment instruments sa aking artikulong INVESTMENT 101. Ngayon naman ay tatalakayin natin ng mas detalyado ang isang magandang bank product na pwedeng apply-an ng mga binanggit kong mga investment instruments. ang “Trust”. Marahil sabihin mo: “Green Stickman™, wala kang binanggit sa Investment 101 tungkol sa Trust”. Akala mo lang wala, pero meron. Meron. Meron!

Yun lang hindi mo talaga mapapansin kaagad. Ang tinutukoy ko nga ay yung UITF o Unit Investment TRUST Fund na nabanggit ko sa bahaging Stocks and Equity ng aking artikulong Investment 101.

U…I…T… Ano?

Dati noong wala pa akong muwang sa mundo ng “Finance” lagi ako nagkakamali sa pagtanda nito. Ang nasasabi ko palagi ay “IUTF” imbes na UITF(Totoo ‘to, dahil wala pa akong pakialam noon…haha…). Ano nga ba ang UITF? Bago natin malaman ang buong nilalaman ng UITF, i-klaro muna natin kung ano ba yung ‘T’ sa UITF…ang “Trust”? Ang Trust sa salitang Tagalog ay “Tiwala”. At ano ang pinagkakatiwala mo? Yung pera mo. Sa bank product na ito, walang pangako na “Fixed Income” o fix na rate ang bangko sa pera mo. Pero pipilitin nila itong palaguin para “everybody happy”. Pag tumubo ang pera mo, happy ka. Happy rin yung grupong nagpalago ng pera mo dahil mangongomisyon sila sa kita. At happy din ang bangko dahil makikinabang din siya sa tubo ng pera mo.

Teka, medyo nalito ka ba? Bakit may binanggit akong grupo na magpapalago ng pera mo? Oo, tama yang nabasa mo. Bagama’t ang kausap mo ay ang bangko, sa loob ng bangko ay may tinatawag sila na “Trust Group”. Hindi sila yung mismong bangko pero sila ang grupo sa loob ng bangko na siyang bahala sa pera mo at magpapalago nito. Kung baga sa isang kumpanya ang Trust Group ay isang department sa loob ng isang institusyon.


Pinagkaiba ng TRUST sa isang ordinary Savings o Time Deposit

Walang fixed na interest ang isang Trust na bank product hindi gaya ng savings account at Time Deposit. Walang guarantee kung magkano ang interest na ibabalik nila sa iyo. Ipagtitiwala mo ang pera mo sa kanila ng walang pangakong fixed na amount o tubo mula sa kanila. Tiwala lang! Pero huwag kang masyadong mag-alala dahil kung magaling ang mga tao sa Trust Group ng bangko, lalu na yung Fund Manager, kaya nila palaguin ang pera mo ng kahit hanggang 30% o mas higit pa. Not bad di ba? Sobrang laki nito kung ikukumpara mo sa isang savings account na 0.25% lang kada taon.

At dahil ang UITF ay walang fixed rate, ang pwede lang i-provide o i-quote ng banko ay yung “historical returns” kung saan makikita mo kung lumalago ba ang perang katumbas ng nabili mong units o hindi.

Wala ring maturity date ang isang Trust account di gaya ng savings at time deposit. Ibig sabihin pwede mong hugutin ang pera mo anytime (Pero nangangailangan ito ng 2 to 3 banking days in case na gusto mo ng ibenta o i-convert sa pera yung trust certificate mo) sa oras na kailanganin mo ito.

Pero hindi gaya ng savings account at time deposit, hindi insured ng PDIC ang isang Trust account. Ibig sabihin, kung malugi sila, lugi ka rin. Okay lang yun, kasi hindi naman papayag ang fund manager o ang may hawak ng pera na malugi dahil dun nga sila kumikita. Kaya gagawin niya ang lahat ng magagawa niya para lumaki ang pera mo. Dahil habang mas malaki ang kita ng pera mo, mas malaki rin ang makuha nila bilang bayad mo sa serbisyong ginawa nila para sa iyo. Maganda ang Trust kung wala kang oras na mag-invest sa stock market, hayaan mong sila ang mag-asikaso nun para sa’yo. Cool di ba?

Sa usapang teknikal, ang UITF o Unit Investment Trust Fund ay isang “open-ended” fund na kung saan maaaring bumili ang isang investor na gaya natin ng mga units ng fund na iyon. Habang mas marami ang nagpaparticipate sa pondong iyon, syempre mas lumalaki ang pondo ng pera na maaaring gamitin para mai-invest naman sa iba’t iba pang investment instruments (Mas mabuti kung nabasa mo ang artikulo kong “investment 101” para alam mo kung ano yung sinasabi ko dito). Sa pamamagitan ng pag-i-invest ng nasabing pondo o “pooled funds” sa iba’t ibang investment instruments ay nabuo ang 3 klase ng UITF.
uitf ad 1

Ang mga uri ng UITF

May 3 uri ng UITF o Trust Fund na ino-offer ang isang banko:

  1. Fixed Income Fund
  2. Balanced Fund
  3. Equity Fund


UITF- Fixed Income Fund

Ang pondo ng pera ay mostly naka-invest sa mga Fixed Income investment instruments kagaya ng T-Bills, FXTNs, Bank Deposits at iba pang financial instuments na nag-o-offer ng mga investment na may regular income na may prevailing na interest.
Ang uri ng UITF na ito ay nahahati pa sa 2:

  1. Money Market Fund - Ang pondo ay ini-invest sa mga instruments sa maikling panahon (1 or less than a year)
  2. Bond Fund - Ang pondo ay ini-invest sa mga instruments na higit sa isang taon.


UITF-Equity

Ang pondo ay ibinibili lahat sa stocks. Sa 3 uri ng UITF ito ang may pinakamalaking ROI o kita pero ito rin ang may pinakamataas ang risk ng pagkalugi.

UITF -Balanced

Ang pondo ay naka-invest ng kala-kalahati. Kalahati sa Fixed Income, at kalahati sa stocks o equity. Parang 2-in-1 na kape. Kaya kung nasa “alanganin” ka, ibig sabihin hindi ka conservative at di ka naman aggressive, dito ka mabibilang sa Balanced-Equity.

…………………………………………….

Ang 3 uri ng UITF na ito ay available sa isang investor na gustong bumili ng units ng nasabing pondo. Pero depende sa kanyang risk profile niya at kung ano ang mga short term at long term goals niya. Halimbawa yung tip na binigay ko sa artikulong “Ang pagbuo ng Iyong Emergency Fund“, kung umabot na sa 20k ang pera mo sa savings account, i-withdraw mo yung kalahati tapos ilipat mo sa bank product na UITF-Fixed Income. Sa product kasi na ito, siguradong mas tutubo ang pera mo at madali mo lang din mahuhugot sa oras na kailanganin mo ito. Pero reminder lang ha, nasa mga 2-3 banking days din ang kailangan bago mo ma-liquidate o makuha yung katumbas na pera.

Ang mga advantages ng UITF

May 2 major advantage ang isang UITF. Ang mga ito ay:

  1. Wala itong Holding Period – Ang isang pinakamalaking-advantage ng UITF ay wala itong holding period. Pwede mong hugutin ang investments sa trust account mo kahit kailan mo trip o kung kailan mo ito kakailanganin. At pwede ka ring bumili sa susunod kung may pera ka uli.
  2. Diversification - Bonus ito sa mga investors para magkaroon ng mas mataas na kita o returns. Bakit? Ganito kasi, halimbawa mayroon kang 100,000 pesos at ininvest mo ito sa pamamagitan ng pagbili halimbawa ng isang security (Hindi security guard ha!) kagaya ng Treasury Bill (T-Bill). Ang nangyayari ay naka-concentrate lang yung pera mo sa isang security. Hindi gaya ng sa UITF, kung ibinili mo ng units ng Fund yung 100,000 pesos mo, ibibili ito ng Fund Manager ng 20 hanggang 40 na iba’t ibang securities. Anong advantage nito? Malaking advantage dahil mas malaki na ngayon ang chance na kumita ang pera mo ng mas malaki (Wow nagamit ko yung salitang “malaki” ng tatlong beses!) . At dahil hindi naka-focus sa isang security ang pera mo, nababawasan ng kaunti ang risk ng pagkalugi ng pera mo.


Ano ba ang binibili ni Fund Manager?

Kung busy kang tao malamang wala ka ng pakialam kung ano ang binibili ni Fund Manager sa pera mo. Pero in case lang na may pagka-intregero ka at curious kang malaman kung saan dinadala ni Manong Fund Manager ang pera mo, pwede ka namang pumunta sa banko at humingi ng Fund Performane Report. Sa report na ito malalaman mo kung ano ang binibili ng fund manager, kung gaano katagal sila sa investment na yun at kung ano ang mga “historical returns” ng nasabing investment.Sa pamamagitan ng report na ito ay magkaka-idea ka kung saan-saan pumupunta ang pera mo. Swerte na na nga rin natin ngayon at may internet na. Makikita mo na agad yung ilang impormasyon na kailangan mo sa pag click lang ng mouse button para makita ito online.




Paano mo nalalaaman kung kumikita ang pera mo?

Kung sakaling bumili ka na ng units ng isang trust, ang pinaka-resibo mo ay yung ibibigay nilang Trust Certificate o kung tawagin ng iba ay COP (Certificate of Participation). Kung halimbawa bumili ka ngayon ng 10,000 pesos worth na units ng fund, makikita mo sa certificate kung ilang units ang katumbas ng pera mo. Kung halimbawa ang halaga ng unit ng trust fund noong bumili ka ay 2,000 pesos ang isa, ang makikita mong units sa certificate ay 5 units. May makikita ka rin sa certificate na NAVPU. Ito ay ang Net Asset Value Per Unit. Sa pamamagitan ng NAVpu, malalaman mo kung kumikita ba ang pondong binili mo o hindi. Para malaman mo kung magkano na ang halaga ng pera mo, kunin mo amg NAVpu para sa araw (ngayon o nung mga nakaraang araw pero hindi pwedeng bukas) na gusto mo. Pagkatapos ay i-multiply mo ito sa number of units na nakalagay sa COP mo. So kung halimbawa may 5 units ka mula sa COP na binili mo last year, at ang NAVpu para sa araw na ito ng pondong nabili mo ay 2300.00 per unit, ang magiging halaga ng pera mo ay: 2,300.00 x 5 = 11,500.00. Ibig sabihin sa loob ng isang taon, kumita ang pera mo ng 1,500.00 pesos ng wala ka namang ginagawa kundi magpalipas ng panahon. Ayos di ba? Hayaan mong ang pera mo ang magtrabaho para sa iyo. Pero in tehnical, ginamit mo ang serbisyo ni Fund Manager at ng buong Trust Group para kumita ang pera mo.


Ang Mga Risk ng Pag-i-invest sa UITF


Gaya ng lahat ng negosyo o business, may mga risk din ang pag-i-invest sa UITF. Ito ang mga ilang risk:

  • Interest Rate Risk – May posibilidad na hindi kumita ang pera pag nagkaroon ng pagbabago sa interest rates. Ang interest rate ay inversely proportional sa NAVpu. So kung biglang tumaas ang interest rate ng pinagsalihan ng pondo, halimbawa ay ginamit ang pera sa isang Bond security, malaki ang chance na bumaba ang NAVpu, therefore, mababa ang magiging value ng nabili mong unit.
  • Market/Price Risk - Apektado ang UITF ng pagbabago ng presyo ng merkado kagaya halimbawa ng presyo sa stocks market. Ang fluctuations o pagtaas at pagbaba ng presyong ito ay dulot ng pagbabago ng ekonomiya ng bansa. Pwede ring ang dahilan ay ang mga pangyayari gaya ng kalamidad, eleksyon, atbp. Dahil sa mga “events na ito ay maaaring tumaas o bumaba ang NAVpu kaya pwedeng kumita o matalo ang pera mo.
  • Liquidity Risk- Pwedeng bumaba ang halaga ng pera mo sa mga oras na huhugutin mo na siya. Kung halimbawa ay nakabili ka ng units ng pondo sa halagang 2000 pesos per unit, maaaring may tiyempo na ang halaga na lang ng unit sa araw ng “redempion” mo ay 1900 pesos per unit. Kalimitan nangyayari ito sa mga short term investments.
  • Credit Risk/Default Risk - Pwedeng nakaranas ang isang investor ng pagkalugi dahil hindi agad nabayaran sa tamang panahon o hindi pagbabayad ng regular sa mga pinagpahiraman ng pondo. Kung hindi basta makabayad ang mga pinautang o ang pinagdalhan ng pera gaya ng bonds, loans, at ibang form ng security, obviously hindi basta iikot ang pera. Ang hindi pagbabayad na ito ng mga pinahira. ng pera ay makaka-apekto rin para kumilos ang presyo at magkaroon ng Market/Price risk kung kaya maaaring bumaba ang kita ng pera mo.

Ilan lang ito sa mga risk na pwedeng maranasan ng isang investor. Pero gaya rin ng ibang business, minsan kailangan nating mag-take ng risk para makakuha ng “better returns” o income mula sa ating pera.


Paano ang mag-apply para sa UITF Investment?

Kung nakapag-decide ka na mag-invest at halimbawa ay gusto mo ng ilipat ang iyong emergency fund, pwede ka ng pumunta sa bankong napili mo na paglalagakan mo ng pera. Pero teka lang bago ka umalis, siguruhin mo na may dala kang 2 valid IDs, ID pictures (2×2 at 1×1 sizes para sure), at syempre yung pera. Karaniwan sa mga banko, isa-suggest nila sa iyo na mag-open ng savings account sa kanila bago ka bumili ng units. Okay naman yun, mayroon kasing ibang bank product na nag-o-offer ng “auto-debit” investment. Para at least sigurado ka ng hindi magagalaw yung ini-invest mo. Ang minimum na halaga ng pagbili ng units ng isang Trust Fund ay karaniwang 5,000 to 10,000 pesos depende sa banko. Kaya kung bibili ka, check mo yung minimum amount o maintaining balance ng savings account na ipapa-open mo in case. May ibang banko na 10,000 pesos ang maintaining balance. So kung may plano ka bumili ng halagang 10,000 pesos na units, magdala ka ng 20,000 pesos para di ka na magpabalik-balik.

Pag bumili ka ng units ng isang trust fund, kailangan mo dumaan sa risk profiling. Bibigyan ka ng exam para malaman kung ano ba ang mga financial life goals at anong klaseng investor ka. Malalaman nila ang risk profile mo kung conservative, aggresive, o “moderate” investor ka ba. Tinalakay ko ito ng mabuti sa aking artikulong Investment 101.
Bakit kailangan na malaman nila ito? Para mailagay nila ang pera mo kung saan makakatulog ka pa rin ng mahimbing. :)

Kung ikaw kasi yung tipo ng tao na takot malugi at di makatulog kakaisip sa ini-invest mong pera sa UITF, baka atakihin ka sa puso pag nakita mo ang pagtaas at pagbaba ng halaga ng units na nabili mo kung sa UITF-Equity dinala ang pera mo. Kaya mas okay kung malaman muna ng banko kung anong klaseng investor ka.

uitf ad 2


UITF Tips ni Green Stickman™

Mabisa ang UITF-Equity kung hahayaan mo lang ang pera mo ng at least 5 years. Ke tumaas o bumaba ang unit price, ok lang, wag mo huhugutin. Sa loob ng 5 taon, makikita mo na kahit naka-down ang presyo ng unit, panalo ka pa rin kumpara sa halaga ng principal o capital mo.

Kung may na-save ka na emergency fund sa iyong Savings Account, withdaw mo yung iba at ibili mo ng UITF-Fixed Income Funds ng tingi-tingi. Halimbawa may 50,000 pesos ka na emergency fund, ibili mo ng 5 UITF certificates na may 10,000 pesos ang halaga bawat isa. Bakit? Para kung halimbawa 20k lang naman ang kailangan mo sa emergency, 2 certificates lang ang kailangan mo ipalit. Kung ibinili mo ng isang certificate yung 50,000 sayang naman kung 20,000 lang naman pala ang kailangan mo, nadamay pa pati yung 30,000 pesos na dapat sana e patuloy pa rin na kumikita.
Siyempre depende pa rin sa’yo kung tigma-magkano ang gusto mo. Kung maganda-ganda kita mo, okay lang na mas malaki ang halaga ng “tingi” na sinasabi ko.

At bakit kailangan ilipat? Balik tayo sa basics na kailangan nating ma-beat o matalo ang inflation (Tinalakay ko ang inflation sa aking artikulong INVESTMENT-101).

Siguro naman medyo nagle-level up ka na pagkatapos nong mabasa ang mga nakasulat sa artikulong ito. Hanggang dito na lang muna, sa mga susunod na artikulo ko ay tatalakayin naman natin ang tungkol sa Mutual Fund.

Kung may katanungan kayo tungkol sa pag-i-invest sa UITF o di kaya naman ay may gusto kayong idagdag para sa ikabubuti ng kapwa nating mga Pinoy, mag-comment lang po tayo sa baba ng artikulong ito (Ngayon ay pwede na rin po kayong mag-comment sa artikulong ito gamit ang inyong Facebook account).

Kung tingin mo ay karapat-dapat itong i-share at malaman ng mga tao, share mo naman sa mga kaibigan mo sa Facebook at Twitter sa pamamagitan ng pagpindot sa mga buttons na ito:

Tandaan natin na ang pag-i-invest ay hindi lang para sa mayayaman. At kung gaano kahirap na kitain ang pera, ganoon din naman kahirap na itabi at palaguin ito.

Ooops, bago ko malimutan, in case na nagustuhan ninyo ang artikulong ito, at gusto niyo pang maka-tanggap ng mga artikulong kagaya nito, input nyo lang po ang inyong e-mail address sa form na nasa ibaba at si Green Stickman™ na po ang bahalang magpadala sa inyo ng mga updates.



SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Investment 101
NEXT TOPIC: Ang Pag-i-invest sa Mutual Fund


May tanong ka ba o gustong idagdag? Post mo lang dito:(Kung ayaw ma-post, pwede ka pa ring mag-post sa pinaka-ibaba ng article na ito.)



Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some TIPS to keep this website alive by clicking the paypal button or sending Bitcoins to BTC address below:
paypalbtc
3HwMMYfNSWYSCa7fPtBoWKtW8mt9i6cpoe
btc
Click the QR Code or text above to copy the BTC Address.


OR better if you could support this website by buying my book (This is available both on paperback and e-book version)! A true Green Stickman avid reader would definitely have this one. Limited copies only for the paperback! So make sure to grab your copy.