Read the English Version of this article: Protecting Your Financial Accounts




SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Stocks 101
NEXT TOPIC: Bibili Ka Ba ng Bahay o Mangungupahan na Lang?

Sigurado ako na marami ka ng natutunan sa mga nakaraang artikulo ko. Nalaman natin kung gaano kahalaga at paano ang tamang pagba-budget, ang pag-ipon ng emergency fund, ang pag-pa-plano ng financial life goals. Nalaman din natin ang iba’t ibang klase ng investments at ang application nito sa totoong buhay (UITF, Mutual Fund, Stocks Investment ). Ngayon ay magpapahinga muna tayo sa mga mahihirap na paksa at usapin tungkol sa investment. Ang pag-uusapan natin ngayon ay isang bagay na sobrang halaga, pero sa kabila ng pagiging sobrang halaga ay madalas na binabale-wala ng iba. Ito ay kung papaano natin po-protektahan ang ating mga financial accounts. Kung paanong pinapahalagahan natin ang ating pera, kailangan din naman nating pahalagahan ang ating mga accounts hindi lang ang ating email at social accounts kundi lalung lalu na ang ating mga financial at bank account. At dahil hi-tech na ngayon at halos lahat ng mga bagay ay naka-”online”, tuturuan ko kayo ng mga “best practices” para maingatan natin ito upang hindi tayo manakawan hindi lang ng pera kundi pati na rin ng ating mismong identity sa internet.


Ano nga uli yung password ko?…


Naitanong mo na rin ba ito sa sarili mo ng minsang nag-login ka sa email o sa kahit anong forum o social account mo? Sa dami ng mga sites na nagpa-pa-register ng iyong username at password minsan nagkaka-pare-pareho na yung username at passwords na gamit mo. Nangyari na sa akin ito. Dati meron akong account na hindi ako maka-login kahit nasubukan ko na lahat ng passwords na alam kong ginagamit ko. Yun pala may inimbento akong bagong password, ang kaso sa sobrang hirap ng ginawa kong password e pati ata ako nahirapan. haha… May isa pang pagkakataon na nalimutan ko pati yung password na ginamit ko sa online account ko sa BDO. Ayun naabala pa ako sa pagtawag sa customer service nila para ipa-unlock yung account ko. Hehe… :)

Kaya naging lesson sa akin ito. Sabi nga ng kasabihang tagalog “Talo ng tinta ang pinakamagaling na memorya. At dahil high-tech na tayo ngayon, hindi lang tinta ng ballpen ang gamit nating pangtanda. Mayroon na tayong mga application sa computer kagaya ng Word at Excel ng Microsoft. Kaya pag may bagong account ako, nililista ko agad sa aking spread sheet na file para hindi ko makalimutan at hindi mag-lock ang accounts ko.

accounts

Usernames and Passwords… Eh Yung Passphrase? Alam mo?


Sisimulan na natin ngayon ang pag-organize ng iyong username and passwords. Okay class, sa ating takdang aralin na ito, kailangan natin gumamit ng Excel spreadsheet. Pero bago ang lahat, tuturuan ko muna kayong gumawa ng malupit na password na hindi basta-basta ma-ha-hack.

Ang “strong” password ay dapat na kino-compose ng letters, numbers at special characters. At dapat ito ay at least 8 characters. Pero ang hirap mag-isip ng password pag hinihingan ka na ng site na pinagre-regiter-an mo di ba? Ang tendency ay gamitin mo ang same password sa bawat registration mo sa iba’t ibang sites. Kaya pag na-hack ang isang account mo, at may nakaalam ng password mo, ubos pati ang identity mo. Mabuti kung email lang ang mananakaw sa’yo. Paano kung pati online bank accounts mo ay may same password? BOOM! Panis! Kawawa kang bata ka.

Alam niyo ba na maraming Pinoy ang naha-hack dahil hindi alam ang tamang pag-secure at pagbuo ng strong password. Mayroon, ang password ay “password” din (Gusto mo bang malaman ang 10 most commonly used passwords? Click here). Hindi dapat ganyan kapatid. Kailangan natin ingatan ang password natin.

At Ito ang Green Stickman Tip ko para sa iyo sa pagke-create ng passwords. Imbes na mag-imbento ka, ito ang mas okay na gawin. Gagawa tayo ng isang password gamit ang “pass phrase”.

Ang passphrase ay dapat na madali rin namang tandaan o memorable para sa iyo. Halimbawa ay ganito (Gawin muna natin sa English para mas madali)

I have subscribed to Green Stickman’s newsletter last June 12!

Pero hindi yung mismong passphrase ang gagamitin nating password ha. Kukunin lang natin yung lahat ng unang character ng bawat word.

I have subscribed to Green Stickman’s newsletter last June 12!

Mula dito ay makakabuo tayo ng ganito:
IhstGSnlJ12!

Ayos ba?

Subukan nga natin sa tagalog:
Ako ay uuwi ng Pilipinas mula sa HongKong sa darating na January 1!

Makakabuo tayo ng password na ganito:

AaunPmsHKsdnJ1!

Siguro naman e mahihirapan ng i-decode ng hacker yan di ba? Super strong na password yan dahil kumpleto na ito ng capital and small letters, numbers at maging special characters. At hindi related sa birthday mo o sa pangalan at birthday ng mahal mo sa buhay.

Sa pagbuo ng passphrase, dapat ay may 4 bahagi ito. Karaniwan na laman nito ang apat na tanong na who-what-where-when? Bahala ka na lang kung ano yung mga mas madali para sa iyo na tandaan.

Ngayon na alam mo ng gumawa ng isang strong password, hindi pa ito tapos. dudugtungan natin ito sa dulo kung para saang account ito. Halimbawa ginamit natin ang password sa iyong yahoo mail:

IhstGSnlJ12!ym

o kaya naman sa Facebook account mo:

IhstGSnlJ12!fb

o kaya sa BPI express online account mo:

IhstGSnlJ12!bpi

Nakuha mo ba yung idea? Dadagdagan natin ng “suffix” na 2 to 4 letters depende sa trip mo na related sa account.


Protecting Your Accounts and Passwords using Excel

Gusto ko na mag-create kayo ng 3 sheets sa loob ng isang excel file. Ang unang sheet ay pangalanan nating “BANK ACCOUNTS”. Ang pangalawang sheet ay pangalanan nating “SOCIAL SITES”. At ang huling sheet ay pangalanan nating “e-MAIL ACCOUNTS”. Para madaling matandaan, tandaan ninyo ito:

“1 for the MONEY, 2 for the FRIENDS, and 3 for all the e-MAILS you send.”

Sa bawat sheet, lagyan mo sa itaas ng parang ganito:
accounts

Para saan yung previous password1, previous password2 and previous password3? Mayroon kasing mga accounts na kailangan mong mag-reset ng password pagkalipas ng ilang panahon. Para ma-track mo kung anong passwords na ba ang nagamit mo. May mga institutions kasi na hindi mo na pwedeng gamitin ang mga lumang password for security reasons. Kaya mas makabubuti na maghanda ka na ng dalawa o tatlong passphrase sa bawat sheet (o pwede na yung 3 passphrase na mismo ang gamitin mo sa bawat sheet.

Pwede rin na ilagay mo sa first worksheet yung details ng iyong ATM account, credit cards, security questions, at marami pang iba na may kinalaman sa iyong financial account.

Ganun din ang gawin mo sa pangalawang sheet (SOCIAL ACCOUNTS) at pangatlong sheet (e-MAIL Accounts)

Ngayon na nai-organized na natin ang ating mga usernames and passwords (pati ng iba pang credentials na mahahalaga sa’yo gaya ng passbook number, passport details, etc) sa ating Excel Worksheet, kaiangan din naman natin na protektahan ito ng sa gayon ay hindi naman ito mabuksan ng kung sino-sino. Para magawa natin ito, lalagyan natin ng password yung mismong excel file mo. Sundin mo lang ang mga steps na ito:

  1. Pindutin ang File -> Save As
  2. Makikita mo ngayon ito: I-click lamang ang General Options…
    excel
  3. May lilitaw na General Options pop-up at hihingan ka ng “Password to open” at “Password to modify”. Lagyan mo pareho. Yung password to open, ay para mabuksan mo yung file mo. Yung password to modify ay para ma-edit mo naman yung file mo.
    General
  4. May lilitaw uli na mga window boxes para i-confirm mo yung mga passwords mo.
  5. I-test mo na by sa pamamagitan ng pag-close sa file at pag-open nito muli.
  6. Dapat pag bukas mo ng file ay may lumitaw na box uli na nanghihingi naman ng password mo para mabuksan ang iyong file.

Ayos na? Ayos na! Mayroon ka ng Excel file na protektado ng password. I-test mo mabuti kung mabubuksan basta basta. Ito yung akin, try mo buksan. Click here. :)
Ang password ko diyan sa file na yan ay “test”. Buksan mo para may idea ka kung ano dapat ang itsura ng gagawin mo.

Kung tested mo na, pwede mo ng i-attach ito sa iyong e-mail para in case na kailanganin mo ay makukuha mo agad basta online ka. Kung isa lang ang e-mail mo, gawa ka pa ng isa. Kung tinatamad ka, send mo sa sarili mo. Pag nareceive mo ay ilagay mo naman sa isang folder mail para “organized” ka pa rin.

Ang problema naman nito ay pag nag-a-update ka na ng mga passwords o may idadagdag ka ng mga acoounts. Dito mare-realize mo (personal experience ko ‘to) na mas okay kung naka-synchronize na lang yung file mo sa isang storage cloud service gaya ng DropBox o Google Drive.

Kung mayroon ka ng dropbox, mas okay na maglagay ka rin doon ng kopya ng Excel file na ito. Para kung mag-e-edit ka ng file alam mo na laging updated ang nandoon sa dropbox account mo at mahuhugot mo pa rin siya online hindi gaya kung naka-store lang sa personal laptop/PC o USB mass storage device na gamit mo. Kung manakaw ito sa iyo, o atakihin ng virus at kinailangan mo i-format, BOOM-Panis ka na naman. Maigi na mayroon nito sa personal kong experience. Noong manakaw ang phone ko, naretrieve ko ang mga personal files ko kagaya ng sinasabi kong excel sheet for account and password, pati na rin yung mga importanteng pictures at videos ng anak ko. Dahil naka-”sync” pala yung aking smart phone sa Dropbox dahil meron akong DropBox Android App sa phone. So personally, nire-recommend ko ang pagkakaroon ng account gaya ng sa dropbox. Kung wala ka pang DropBox, mag-sign-up ka na dito: DropBox.

Kapag nagkaroon ka ng account dito, maaari mo na i-synchronize ang iyong mga files mula sa iyong cellphone at PC papunta sa iyong DropBox account na nasa cloud server.

Mayroon din namang mga password management tool o password manager na software pero wala pa akong nire-recommend sa ngayon. Hindi pa rin kasi ako gumagamit nito. Happy na muna ko sa ginawa kong storage sa Excel File at pag-sync nito sa aking e-mail at dropbox account. Pero kung sakali na may gamitin ako, ishe-share ko din sa inyo kung ano ang mga best options para dito.

Siya nga pala, isa pang tip, pag gumamit kayo ng computer, lalu na kung nakigamit kayo sa isang computer shop, siguruhin ninyo na bago kayo umalis ay naka-log-out kayo sa inyo-inyong mga accounts. At siguruhin ninyo na ma-clear ang browsing history ng browser. Kung Google Chrome ang gamit ninyo, madali lang i-clear ang history at cookies. Press nyo lang sa keyboard ang mga keys na Ctrl + Shift + Del.

accounts
O ha, hindi ka lang nag-improve sa pag-iingat ng iyong mga financial, social at email accounts and passwords, kundi nag-level up din ang pagiging “techy” mo. May pa-password-password protect ka pa sa file ngayon, at pa-sync-sync pa sa DropBox . At may pa-clear-clear ka pa ng browsing history at cached cookies! :)

Hanggang dito na lang muna. Sana pagkatapos nito ay ma-i-organize natin ng mabuti ang ating mga usernames and passwords sa isang Excel file. Maaabala ka lang sa umpisa pero long lasting ang benefits nito sa iyo.

Tandaan, mahirap ang mag-ipon ng pera, pero mas mahirap naman ata kung yung mga pinaghirapan mo ay manakaw naman ng iba na wala kang kalaban-laban (Yung snatcher mahahabol mo pa at baka makaganti ka pa ng suntok, pero dito, mahirap mong ma-trace ang isang magaling na hacker.) kaya ingat-ingat din ng financial accounts pag may time. Well actually, dapat di lang pag may time. Dapat lagi ka may time para dito dahil nakasalalay dito ang identity at finance account mo! At kung yung mga magnanakaw e nag-a-upgrade ng kanilang skills para makapagnakaw, ikaw pa kaya ang hindi mag-upgrade para ma-protektahan mo ang iyong accounts?

Ooops, bago ko malimutan, in case na nagustuhan ninyo ang artikulong ito, at gusto niyo pang maka-tanggap ng mga artikulong may sense na kagaya nito, input nyo lang po ang inyong e-mail address sa form na nasa ibaba at si Green Stickman™ na po ang bahalang magpadala sa inyo ng mga updates.


At kung tingin mo ay karapat-dapat itong i-share at malaman ng mga tao, share mo naman sa mga kaibigan mo sa Facebook at Twitter sa pamamagitan ng pagpindot sa mga buttons na ito:

Kung may katanungan kayo tungkol sa pag-iingat ng inyong financial accounts o di kaya naman ay may gusto kayong idagdag para sa ikabubuti ng kapwa nating mga Pinoy, mag-comment lang po tayo sa baba ng artikulong ito (Ngayon ay pwede na rin po kayong mag-comment sa artikulong ito gamit ang inyong Facebook account).

SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Stocks 101
NEXT TOPIC: Bibili Ka Ba ng Bahay o Mangungupahan na Lang?


May tanong ka ba o gustong idagdag? Post mo lang dito:(Kung ayaw ma-post, pwede ka pa ring mag-post sa pinaka-ibaba ng article na ito.)



Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some TIPS to keep this website alive by clicking the paypal button or sending Bitcoins to BTC address below:
paypalbtc
3HwMMYfNSWYSCa7fPtBoWKtW8mt9i6cpoe
btc
Click the QR Code or text above to copy the BTC Address.


OR better if you could support this website by buying my book (This is available both on paperback and e-book version)! A true Green Stickman avid reader would definitely have this one. Limited copies only for the paperback! So make sure to grab your copy.