Read the English Version of this article: Building Your Emergency Fund


SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Budget 101
NEXT TOPIC: Ang Pagpa-plano ng Iyong Financial Life Goals

Napansin ko na mas nakararaming Pinoy pa rin ang bumibisita dito sa website ko. 54% ng web traffic ko ay mga kababayan kong Pilipino kung kaya naisipan ko na gumawa ng mga artikulong Tagalog (o mas mabuting sabihing “Tag-Lish”) nang sa gayo’y mas maging kapaki-pakinabang sa lahat ng ating mga kababayan, mas madaling maintindihan, at mas madagdagan ang ating kaalaman sa wastong paggamit ng ating pera at lahat ng mga bagay na may kinalaman sa pinansiyal(financial).
emergency fund ad 1

Ang pag-uusapan naman natin ngayon ay karugtong ng artikulong Budget101, ito ay tungkol sa pagbuo ng ating Emergency Fund.

Alam nyo ba na marami sa ating kababayan ang walang naitatabing savings at ni hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang “Emergency Fund”? Okay lang sana kung ang hindi nakakaalam ng dalawang salitang ito ay di nakapag-aral. Pero ang nakakalungkot, kahit yung ibang mga nakapag-aral ay hindi alam kung ano ang ibig sabihin nito. Yung iba, naturingang nakapagtapos ng mga pag-aaral pero walang application sa buhay nila ang pagkakaroon ng emergency fund. Kahit ako, umaamin na hindi ko kaagad naunawaan ang halaga at impact nito sa aking buhay. Marahil dahil ito sa impluwensiya ng kultura nating mga Pinoy na “bahala na bukas”. Ang masakit pa nito, ay yung mabaon ka sa utang dahil nanghiram ka ng pera para ma-solusyunan ang emergency na naranasan mo. Ito ang pinaka-ayaw nating mangyari.

Ang Emergency Fund ay bahagi ng savings. Kung nagse-save ka ng pera pagdating ng sweldo mo, dapat alam mo kung saan mo dapat ilaan ang pera mo (Tinalakay ko ito sa artikulo kong may pamagat na Budget 101). Basically, ang Savings kasi ay nahahati sa 3, ito ay ang:

  1. Emergency Fund
  2. Short-Term Goals
  3. Long-Term Goals

Sa tatlong ito, kung hindi pa naman ganun kalaki ang sahod o kinikita mo, ang pinakauna mong dapat na bunuin o paglaanan ng matinding pansin ay ang iyong emergency fund. Ano ito? Ang emergency fund ay sapat na pera na nakalaan sa oras ng nga pangangailangan. Inuulit ko, perang nakalaan para sa mga emergency o biglaang pangangailangan.

Pero ano ba muna ang iba’ibang halimbawa ng mga emergency na maaari nating maranasan? Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • – Biglaang pagkawala ng trabaho (JOB LOSS)
  • – Kalamidad gaya noong bagyong Ondoy at Yolanda (PROPERTY LOSS)
  • – Pagkakasakit ng myembro ng pamilya o aksidente
  • (MEDICAL EMERGENCY)


MAGKANO ANG DAPAT NA EMERGENCY FUND?


Alam na natin ang kahulugan ng Emergency. E magkano naman ba ang dapat na pondo na ita-target natin sa pagbuo nito?

Ayon sa maraming mga magagaling na finance advisors, dapat ay may maitabi tayong emergency fund na ang halaga ay 6 times ng monthly expenses mo. So kung halimbawa kumikita ka ng 20,000 pesos a month at may expenses ka na 14,000 kada buwan. Ang halaga ng emergency fund na kailangan mo bunuin ay 14,000 x 6 = 84,000 pesos.

Ibig sabihin, kahit mawalan ka ng trabaho sa loob ng anim na buwan, buhay ka pa rin at may malaking oras ka pa para makahanap ka ng bagong trabaho.

Ang Emergency Fund ay isa lamang sa 3 bahagi ng iyong savings. Tatalakayin natin sa ibang artikulo ang tungkol sa short-term at long term goals. Kung malaki ang kaya mong itabi mula sa sahod mo, pwede mong pagsabayin ang pag-ipon sa mga ito. Pero kung maliit pa ang source of income mo, hayaan mo munang ma-kumpleto mo ang Emergency Fund mo bago ka lumipat sa pagbuo ng iyong short term at long term goals.


Emergency Fund TIPS


Sa totoong buhay, napakahirap pigilin ang sarili sa pag gastos lalu na kung sa pag-uwi mo e madadaan ka sa mga malls. Kung nakapag-decide ka na buo-in ang emergency fund mo, simulan mo ng umiwas sa mga SALE sa malls at sa mga lugar na maaaring mag-trigger ng pagiging impulse buyer mo (oo pati yung mga online shopping sa internet na nag-o-offer ng mga mababang presyo, huwag mo muna patulan kung hindi mo naman talaga kailangan).

Para magawa mo ito, ganito ang mga susunod na nararapat mong gawin:

  1. Gumawa ka ng savings account mo at tawagin mo itong “NO-TOUCH ZONE ACCOUNT“.
  2. I-treat mo ang savings mo as part of your expenses. Kung maaari, magpa-auto debit (i-automate mo ang iyong savings) ka tuwing darating ang sahod mo. Sa pamamagitan nito, magiging mind set sa iyo na kung ano lang ang nakikita mo sa ATM mo, yun na lang ang pera mo at yun lang ang pagkakasyahin mo para sa lahat ng expenses mo.
  3. Kung makita mo na umabot na sa 10k ang pera mo, ilipat mo ito sa ibang “bank service” na mas malaki ang tubo. Personally, ang maipapayo ko ay ilagay mo ito sa isang FIXED INCOME investment (Hindi ko ipinapayo na ilagay mo ito sa isang Time Deposit dahil sa oras na kailanganin mo ang pera, hindi mo ito agad agad na makukuha.).
  4. Pagdating ng BONUS mo pag December, i-derecho mo na agad ito sa iyong “NO TOUCH ZONE” account.
  5. Itatak mo sa kukote mo na gagamitin mo lang ang perang nasa account na ito sa panahon ng EMERGENCY lamang.
  6. At ang SALE sa mga malls ay hindi isang EMERGENCY!
  7. Ang panghihiram ng pera ng mga kamag-anak ay hindi mo emergency. Kung nais mo talaga silang tulungan at para hindi sila magtampo sa iyo, maglaan ka ng isa pang emergency fund para sa mga kamag-anakan mo. Hindi ito pagdadamot. Pero dapat maisip mo na may sarili ka ring binubuong emergency fund para sa sariling pamilya mo.
  8. Palibutan mo ang sarili mo ng mga taong marunong sa pera, at mag-e-encourage sa iyo na makapag-impok at ma-achieve ang emergency fund, short-term at long-term goals mo.

emergency fund ad 2
Kapag nabuo mo na ang emergency fund mo, maaari na nating ituloy ang ibang parte ng savings mo gaya ng short term at long term goals mo. Mas malalim na usapan ito na ating tatalakayin sa mga susunod kong artikulo.

Kung may katanungan kayo tungkol sa pagba-budget at kung may gusto kayong idagdag para sa ikabubuti ng kapwa nating mga Pinoy, mag-comment lang po tayo sa baba ng artikulong ito (Ngayon ay pwede na rin po kayong mag-comment sa artikulong ito gamit ang inyong Facebook account).

Kung tingin mo ay karapat-dapat itong i-share at malaman ng mga tao, share mo naman sa mga kaibigan mo sa Facebook at Twitter sa pamamagitan ng pagpindot sa mga buttons na ito:


Tandaan, kung gaano kahirap kitain ang pera, ganun din kahirap na itabi at palaguin ito.

Ooops, bago ko malimutan, in case na nagustuhan ninyo ang artikulong ito, at gusto niyo pang maka-tanggap ng mga artikulong may sense na kagaya nito, input nyo lang po ang inyong e-mail address sa form na nasa ibaba at akong si Green Stickman™ na po ang bahalang magpadala sa inyo ng mga updates.



SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Budget 101
NEXT TOPIC: Ang Pagpa-plano ng Iyong Financial Life Goals


May tanong ka ba o gustong idagdag? Post mo lang dito:

greenstickman The BLOG Compilation



Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some donation to keep this website alive by clicking the button below:

Be a Green Stickman™ fan. Click my Facebook "like" Button Here:
To all the people who clicked the "LIKE" button of my Fan Page, THANK YOU VERY MUCH! :D