Read the English Version of this article: Planning Your Financial Life Goals

Lazada Philippines

SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Ang Pagbuo ng Iyong Emergency Fund
NEXT TOPIC: Investment 101

Gaya ng sinabi ko sa mga naunang artikulo, ang isang savings ay nahahati sa 3: Emergency Fund, Short Term Goals at Long Term Goals. Natalakay na natin ang tungkol sa kung papaano buoin ang ating emergency fund. Ngayon naman ang pag-uusapan natin ay ang tungkol sa parte pa rin ng pagba-budget mo, ang iyong short term at long term goals.

Sa totoo lang, sa mundo ng Finance, ang mga short-term at long-term goals ay mas kilala sa tawag na Financial Life Goals.

Ano ba ang tinutukoy na mga Life Goals na ito? At paano natin ito sisimulan?

Ang unang step? Mangarap ka. Oo, DREAM. Huwag kang matulog at baka managinip ka. Iba ang panaginip sa pangarap. May iba’t ibang klase ng pangarap na maaari nating gawin at ito ay ang mga sumusunod:
financial life goals ad 1

  1. WEALTH DREAMS – Mga pangarap na pangkabuhayan kagaya ng pagkakaroon ng sariling negosyo.
  2. HOME & FAMILY DREAMS – Mga pangarap na pang pamilya gaya ng pagkakaroon ng sariling bahay.
  3. HEALTH DREAMS - Mga pangarap na pangkalusugan gaya ng pagpapayat o pagbabawas mo ng timbang kung mataba ka.
  4. SELF-IMPROVEMENT DREAMS - Mga pangarap na pangsariling pag-unlad gaya halimbawa ng pagpunta sa isang bansa sa Europa upang maranasan at matutunan ang kanilang kultura.
  5. PHILANTROPHIC DREAMS - Mga pangarap na pagkakawang-gawa sa kapwa gaya ng pagpapa-aral ng isang “unprivileged” child sa eskwelahan.

Para mas maintindihan mo pa, gumawa ka ng WISH LIST. Sigurado naman na ang lahat sa atin ay may mga pangarap sa buhay. Ang magkaroon ng sariling bahay. Ang magkaroon ng sasakyan. Ang magbakasyon sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang magbuo ng sariling pamilya. Ang mapag-aral at mapagtapos ang mga anak sa magandang eskwelahan. At kung ano-ano pa. Sige na, isulat mo muna.

……….

Tapos na?

……….
Ngayong naisulat mo na ang mga pangarap mo, kailangan na i-align natin ito ngayon sa financial life goals mo. Tandaan na ang bawat pangarap na ito ay may kalakip na “tag price”. Kung nangangarap ka na magkaroon ng sariling bahay, sasakyan, makapagtayo ng sariling negosyo at magliwaliw sa buong mundo, tanong mo agad, magkano ang kalakip na halaga ng bawat pangarap na ito?

Halimbawa ang gusto mong bahay ay nasa isang magandang subdivision na may halagang 10M, ang kasunod na tanong, kailan mo planong mabili ang pangarap mong bahay na ito? At pagkatapos ng ilang taon? 10? 20? 30?

Kaya kung ang nakasulat sa wishlist mo ay:

“Gusto kong magkaroon ng sariling bahay…”

dugtungan mo ng ganito:

“…na nagkakahalaga ng 10M pesos at kailangang mapasaakin ito sa loob ng 12 taon.”

“Gusto kong magkaroon ng sariling bahay na nagkakahalaga ng 10M pesos at kailangang mapasaakin ito sa loob ng 12 taon.”

o kaya halimbawa ang pangarap mo ay:

“Gusto kong maglibot sa mundo… “

Mas okay kung gagawin mong mas specific. Gawin mong ganito:

“Pupunta ako sa Antarctica para makakita ng mga penguins at mag-iipon ako sa loob ng 3 taon sa pamamagitan ng pag-ipon ng halagamg 10,000 pesos kada buwan.”

Nakita mo na ang pinagkaiba? Yung dating pangarap mo ay hindi na isa basta pangarap kungdi isang “PLANO” na. Isang GOAL na gusto mong ma-achieve pagdating ng tinakda mong panahon.

Tandaan mo, ang isang pangarap ay mananatiling pangarap kung wala itong deadline at at kung hindi defined ang kalakip nitong halaga. Sabi nga ng maraming magaling na Financial Planners, sa pagbuo ng isang financial plan, kailangan alam mo ang SMART (Hindi SMART Telecom ha!):
S - specific
M -measurable
A – attainable
R – realistic
T - time bound

Dapat na consider ang “SMART” na ito para malaman mo kung valid ba ang isang financial life goal mo. Specific para lumiit ang scope mo at ma-define mabuti ang pangarap mo. Measurable para madefine mo kung magkano ang tag price ng pangarap mo. Attainable para malaman mo kung kaya mo ba ipunin yung halagang kailangan sa takdang panahon. Realistic baka naman sobrang taas ng pangarap mo (Baka ang pangarap mo e makarating sa buwan…. hello?…). At kailangan ay time-bound para malaman at ma-define mo kung kailan ang deadline ng goal mo.

Kaya sobrang halaga na maisulat at ma-visualize mo ang pangarap mo. Importante na isulat mo ang lahat ng mga plano at pangarap mo sa buhay. Kung sa pagsulat pa lang e tinatamad at sablay ka na, huwag kang masyadong umasa na matutupad mo ito sa tunay na buhay. Actually, marami akong kilalang tao na alam nila ang mga bagay na ito pero hindi sila naglalaan ng panahon para pag-isipan ang mga plano nila sa buhay. Karaniwan, ayon sa pag-aaral, apat sa sampung (4 out of 10) mga Pinoy lang ang gumagawa nito, at nagpa-plano. Huwag kang sumama doon sa 6 na walang malinaw na pangarap sa buhay.

Tandaan, kailangan mong i-convert ang isang pangarap sa isang goal. At syempre, kailangan mong pagsikapan at magtrabaho ng mas higit sa kaya mo para mapag-ipunan mo ito ng mabuti.

Pag naisulat mo na ang lahat ng mga financial goals mo, ang susunod na dapat mong alamin ay kung alin sa mga ito ang dapat na i-prioritize o unahin sa buhay mo. Pero syempre una pa rin sa mga ito yung “emergency fund” mo.

Ipagpalagay natin na nabuo mo na ang iyong emergenecy fund, pwede ka na ngayong magpatuloy sa pagbuo ng iyong long term goals. Bakit nauna kong binanggit ang long sa short? simple lang, dahil ito yung dapat na ma-establish mo ng maaga upang mas mabilis mo itong mabuo at maisakatuparan. Teka, para mas malinaw, paano ba natin malalaman kung isang goal ay short o long?

Sa totoo lang, may mga nagsasabi na ang mga goals na ito ay nahahati sa pa sa 3. Mayroon pa silang tinatawag na mid-term goal. Ang mga goals na ito kasi ay dinidiktahan ng time o oras. Pero para mas madali na lang nating maintindihan, isipin mo na lang na ganito: lahat ng goals mo na ang time frame ay higit sa 5 taon, considered long term goal na yan. Kung 5 taon naman pababa, i-consider mo na itong short term goal dahil sobrang bilis na ng panahon natin ngayon.

Ang pagpa-prioritize sa mga goals na ito ay magdedepende sa life style at status na gusto mo. Sa isang may anak na gaya ko, priority naming mag-asawa ang ipunin ang educational fund ng anak namin para makapasok siya sa maayos na kolehiyo. Ito ay pumatak sa aming long term goal.

Sa isang taong single ang civil status (bachelor o spinster) minsan nagiging goal nila ang pagkakaroon ng mga properties gaya ng bahay, sasakyan, pangpakasal, insurances at marami pang iba.Nagkakaiba na lang kung alin sa mga ito ang ipa-prioritize nila at kung ano ang fit sa plano nila at kung ano ang kaya sa current nilang kita.

financial life goals ad 2

Ngayon na na-define mo na ang lahat ng Financial Life Goals mo, saan mabuting ilagay ang pera mo? Sapat na ba na ilagay ito sa isang Savings Account? Mahalaga na malaman din natin ito para mas tumubo ang pera natin. Gaya halimbawa ng emergency fund, dapat na ilagay mo ito sa isang account kung saan madali mong mahuhugot ang pera sa sandaling kailanganin mo ito. So obviously, huwag mo itong ilagay sa isang Time Deposit Account. Sa mga long short term at long term goals, since ang time frame nito ay mas mahaba, mas mabuti na ilagay mo ito sa mga bank services kung saan mas tutubo ang pera mo ng mas malaki. Dito na papasok ngayon ang salitang “investment”. Maraming mga klase ng investment o mas kilala sa tawag na “investment instruments” ang tatalakayin natin sa mga susunod ng mga artikulo ko.

Kung may katanungan kayo tungkol sa pagbuo ng inyong Financial Life Goals o di kaya naman ay may gusto kayong idagdag para sa ikabubuti ng kapwa nating mga Pinoy, mag-comment lang po tayo sa baba ng artikulong ito (Ngayon ay pwede na rin po kayong mag-comment sa artikulong ito gamit ang inyong Facebook account).

Kung tingin mo ay karapat-dapat itong i-share at malaman ng mga tao, share mo naman sa mga kaibigan mo sa Facebook at Twitter sa pamamagitan ng pagpindot sa mga buttons na ito:


Tandaan, kung gaano kahirap kitain ang pera, ganun din kahirap na itabi at palaguin ito.

Ooops, bago ko malimutan, in case na nagustuhan ninyo ang artikulong ito, at gusto niyo pang maka-tanggap ng mga artikulong may sense na kagaya nito, input nyo lang po ang inyong e-mail address sa form na nasa ibaba at akong si Green Stickman™ na po ang bahalang magpadala sa inyo ng mga updates.



SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Ang Pagbuo ng Iyong Emergency Fund
NEXT TOPIC: Investment 101

greenstickman The BLOG Compilation



May tanong ka ba o gustong idagdag? Post mo lang dito:(Kung ayaw ma-post, pwede ka pa ring mag-post sa pinaka-ibaba ng article na ito.)



Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some donation to keep this website alive by clicking the button below:

Be a Green Stickman™ fan. Click my Facebook "like" Button Here:
To all the people who clicked the "LIKE" button of my Fan Page, THANK YOU VERY MUCH! :D