SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Ang Pag-iwas Sa Mga Modern Financial Scams
NEXT TOPIC: Mag-a-abroad Ka Ba o Dito Na Lang sa Pinas?



Marami ang nangangarap sa atin na magkaroon ng sariling negosyo o business. Malamang isa ito sa mga isinulat mo sa iyong “wish list” noong pinasulat kita nito sa aking artikulong “Ang Pagpa-plano ng Iyong Financial Life Goals” (Kung hindi mo pa ito nabasa, basahin mo muna pwede?).

Marami ang nag-iibig na magtayo, pero marami rin ang hindi naman handa kaya nalulugi. Kanya kanyang diskarte ang iba nating mga kababayan. May nagtatayo ng bara-bara at nadala lang sa excitement. Ako mismo ay nakaranas nito. Nagtayo kami ng aking business partner ng isang computer shop. Ayos na sana ang lahat. Matao yung lugar. Malapit sa eskwelahan. Ma-pogi yung may ari (Ba’t nasingit to? Hehe…). Ano ang naging problema? Laging nawawalan ng internet! Kaya naman tuloy nilalayasan kami ng aming mga customers. Hindi namin alam na doon pala sa lugar na pinaglagyan namin, e maraming “bakal boys” na nagnanakaw na pati mga telephone cables e hindi pinapatawad. Ayun, lumipas ang mga buwan (hindi kami umabot ng isang taon) naubos ang business emergency fund namin (oo hindi lang family ang dapat na may emergency fund, kung magtatayo ka ng isang negosyo dapat may bukod kang emergency fund para dito), at tuluyan kaming nalugi… Lungkot no?

Okay, tama na ang kwento ng masamang panaginip na ito at baka pagkatapos kong maisulat (o ma-type) ang artikulong ito e basang basa na ang laptop keyboard ko ng luha. “Napakasakit Kuya Eddie” pa naman ang tugtog ngayon sa radio (Kung di mo alam yung kanta, pakanta mo sa er-pat o sa er-mat mo, for sure matutuwa sila at aawitin nila ito habang nakaharap sa isang radio na naka-switch sa AM station). Okay lang bata pa naman kami ng partner ko. Marami pang time para makabawi. At naniniwala akong mas matibay ang tuhod ng taong nadadapa. Buti na lang nakakagaan ng loob yung nabasa kong istorya ng ilang business tycoon na nakaranas ng pagkalugi ng negosyo pero hindi sumuko. Hindi naging hadlang sa kanila ang pagkalugi at bagkus ay naging motivation pa nila para makaahon sa hirap. Bueno, bueno… simulan na natin kung ano ang mga natutunan ko at kung anu-ano ba ang dapat na gawin upang maging ganap at successful na Entrepreneur.


Mag-EntERpreneur! Este… EntREpreneur!


Narinig nyo na ba yung salitang “Entrepreneur”? Lagi itong nakakabit sa salitang “business” o negosyo. Kung nag-iisip kang magtayo ng sariling negosyo, dapat ay maging isa kang magaling na entrepreneur. Hindi entERpreneur ha, entREpreneur.
Ang isang entrepreneur ay ang siyang namamahala sa pangkalahatan aspekto ng negosyo. Upang maging ganap na Entrepreneur, kailangan mong matutunan ng mabuti ang mga sangkap ng isang negosyo. Kung halimbawa sinabi mo sa sarili mo na:
“Gusto Kong Maging Isang Successful na Entrepreneur! Magkakaroon ako ng sarili kong negosyo!”,

dapat alam mo na may kakabit itong malupit na ‘mind set’ na:

  1. Hindi ka na aasa at iiwan mo na ang “security” ng pagkakaroon ng trabaho. Oo hindi ka na mamamasukan bilang empleyado. – (Kaya mo nga bang iwan ang job mo na napamahal na ng sobra sa iyo?)
  2. Kailangan mong tanggapin na wala ka na ring buwanang sahod at benepisyo. (Kaya mo bang mag-survive sa ipon mo?)
  3. Dapat desidido ka na na magsarili at maging BOSS ng sarili mong business (Naks, Boss! Sarap pakinggan no? Pero kayanin mo kaya?)

starting a business ad 1
Kung sa tingin mo “confident” ka sa tatlong bagay na ito, masasabi ko na may “potential” ka nga na mag-succeed bilang isang entrepreneur. Pero bago ka mag-file ng resignation sa employer o sa kumpanyang pinapasukan mo, may naisip ka na bang IDEA kung ano ang business na itatayo mo? Mas okay kasi kung makaisip ka ng unique para sa negosyo mo. Kasi kung makaisip ka man ng isang idea, sigurado akong may kaparehas ka na 2 o 3 tao na naka-isip na rin ng mga iniisip mo. Ka- ‘brain waves’ mo kung baga. At malamang e mag-uunahan kayo kung sino ang kakagatin ng masa. At pag naitayo mo na, malamang may mga iba pang mag-gagayahan pa sa iyo at magnanakaw ng konsepto mo. Kung alam mo ang pasikot-sikot ng negosyo na napili mo, hindi ka dapat matakot. Aralin mo lang mabuti. At siguradong yung mga naggayahan sa iyo na basta nanggaya lang, hindi magtatagal yan, bumilang ka lang ng ilang buwan o taon mawawala din yan pwera na lang kung mag-aral at magtiyaga din silang mabuti na gaya mo. Yun lang kung tatamad ka, matatabunan ka nila.

Kung nakaisip ka na ng magandang idea, ang sunod na tanong ay kung handa at kaya mo na bang maglaan ng oras ng mas mahaba sa dating otso oras na trabaho mo noong namamasukan ka? Tandaan mo, walang holiday ang isang entrepreneur! Maraming rewards ang pagiging negosyante kapag naitayo mo ng tama ang business mo, pero syempre kailangan mo itong paghirapan ng sobra sa umpisa.

Sa pagiging Entrepreneur, dapat alam mo na kailangan na marunong kang mag-handle ng tao. Oo, kailangan ng people-management skills dito. Hindi mo naman maitatayo mag-isa ang negosyo kung wala ang mga taong handang mag-serbisyo para sa iyo. Kahit na magbebenta ka o magma-manufacture ka ng isang produkto, o di kaya naman e magtatayo ka ng kainan o resto, dapat marunong kang makibagay sa mga tao mo at alam mo kung paano mo sila mapapasunod ng maayos sa lahat ng gusto mo alang-alang sa business mo.

At higit sa lahat, kailangan may capital ka. Hindi sapat yung capital letters sa pangalan mo ha. Capital as in pera. Kung may naipon ka, mas okay. Pero kung wala, pwede ka naman mangutang. It’s your choice kung saan mo gusto, sa bangko, sa ibang financial institutions, sa kaibigan, sa kamag-anak o kaya kay pareng Bombi. (Kung may balak kang mangutang, basahin mo rin yung artikulo kong “Ang Pagpapautang sa mga Kamag-anak At Kaibigan” para makilala mo rin si Pareng Bombi.). Kahit anong business pa yan (wag lang “monkey” business kagaya ng mga “best friends” nating mga scammers diyan. May sinulat din ako tungkol sa kanila, basahin mo yung artikulo kong: “Ang Pag-iwas sa mga Modern Financial Scams“.


Magkano ang dapat na i-raise na Capital?


Hmmm… Hindi pare-pareho. Oo Depende sa business na napili mo. Mayroong mga business o negosyo na hindi mo naman kailangan maglabas ng sobrang laking pera at mayroon din naman na kailangan mo maglabas ng malaking capital.

Sa umpisa oo kailangan mo talagang mag-finance at bumili ng materyales. Halimbawa ang naisip mong business e magtinda ng “personalized” na silver or stainless necklaces, sa umpisa siyempre kelangan mo talaga bumili ng metal dahil yun ang primary material sa product mo. Pero as your business grows, pwede naman na makipag-usap ka later at makipag-ayos sa mga suppliers ng metal para sa susunod na may orders ka, babayaran mo lang yung materials na inorder mo after 30 days. Maraming entrepreneur ang gumagawa nito. Benta muna si product, at least pag nakabenta ka na, may buffer ka ng pambayad kay supplier after ’30′ days. Well depende sa usapan niyo. Kaya kailangan marunong kang makipag-usap. Kung hindi mo kaya, kumuha ka ng tagapagsalita mo na kayang mambola regarding sa terms para lalu ka makatipid.

Sobrang halaga ng capital, so dapat mayroon ka nito bago ka mag-resign sa trabaho mo. Gagamitin mo ang capital primarily pambayad sa equipments, raw materials, o kaya pambayad mo sa upa sa lugar, o pagpapatayo ng iyong store. Huling bagay ko na binanggit pero siya yung pinakamahalaga at dapat na mauna. Literal na “Last but not the least” ika nga. Kahit na malakas ang loob mo at desidido ka, kung wala kang capital, mababalewala. Liban na lang kung madiskarte ka at magaling kang makipag-kaibigan, tingin ko hindi mo magiging malaking problema ang pagbuo ng necessary na capital. And also, madaking umutang sa bangko lalu na kung may maganda kang credit profile at history sa kanila.


Kung wala kang maisip na idea, bakit hindi ka mag-Franchise?


Teka, ano ba muna yung Franchise? Ang franchise ay isang known idea, isang business na subok o tested na, pwede ring tested product, tested marketing, in short, isa itong “tested system”. At ano ang binabayaran mo sa pagpa-franchise? Ang binabayaran mo ay yung tested system na yun. Parang sinasabi mo sa may ari ng business system o sa “Franchisor” na gusto mong gamitin yung business system na mayroon sila o sasali ka sa system na mayroon sila. Oo, may bayad na fee sa pagpa-franchise, pero at least wala kang masyadong intindihin sa mga dapat mong aralin pag nagtatayo ka ng isang business from scratch. Mas malaki ang chance na mabawi mo agad yung nilabas mong pera dahil nga subok na yung system na yun at kumita na.
starting a business ad 2

Green Stickman™ Tips sa Pagtatayo ng Sariling Negosyo

  1. Dalawang bagay lang kaya ka hindi makakapag-start ng iyong sariling business. Una ay kung wala kang capital, at ikalawa ay takot kang mawalan ng stable job dahil mawawala din ang nakasanayan mong monthly salary.
  2. Para magkaroon ka ng confidence na mag-start, kailangan mo mag-ipon ng maraming pera habang nagtatrabaho ka. Gaano kalaki? Mas malaki mas okay syempre (teka, sinagot ko ba yung tanong?). Ang totoo ay depende sa business na itatayo mo. At dapat bukod sa pampatayo, may nakatabi ka rin na pera na magiging “emergency fund” na nakalaan para sa business na itatayo mo. Hanggang magkano? Dapat kayang mag-survive nung business mo ng hanggang 6 na buwan kahit hindi kumikita ang business na itinayo mo.
  3. Kung masyadong malaki ang required na capital, hanap ka ng makaka-partner na may kagaya mong passion sa business na napili mo. Makakatulong ito sa iyo para ma-i-spread mo ang risk. Pero maigi kung maghahanap ka ng partner, na aside sa pera e may different na skill set at may different perspective sa iyo. Pero siguruhin mong mayroon kayong same passion at same hardwork ethic when it comes to business.
  4. Kung wala kang kaibigan na malalapitan, (anong klaseng tao ka? ano ka ba alien?), pwede ka rin namang lumapit sa “friendly-neighborhood” banks, cooperatives, at iba pang financial institution o samahan na pwede magpautang. Sa pamamagitan nito, pinapakalat mo lang yung risk para hindi lahat ng pasan e iyo. Kung first time mo palang uutang sa bangko, medyo mahirap dahil wala ka pang record sa kanila. At asahan mo na ang ipapautang ng mga ito ay kalahati lang ng halaga ng capital na hinihingi mo sa kanila.
  5. Kung wala kang passion sa business na napili mo, magfe-fail ka sa pagiging entrepreneur. Kadalasan, nalulugi ang isang business hindi dahil sa “bad idea” kungdi dahil sa kakulangan ng passion ng may-ari ng business. Kahit naman anong bagay, pag wala kang passion, di magtatagal. Parang asawa din yan, kung wala kang passion sa kanya, e malamang iwan ka niya. Teka, ba’t naging love life na naman ang topic? Next!
  6. Kung maghahanap ka ng partner sa negosyo, hanggat maaari huwag kamag-anak mo. Iwas tampuhan na rin in case na hindi mag-click ang negosyo mo. Hirap kaya pag ang nakaaway mo e kamag-anak mo baka magka-demandahan pa kayo, bad yun.
  7. Kung wala kang skills sa pag handle ng tao, mag- hire ka ng mas magaling sa iyo. Dagdag expense para sa iyo, pero okay lang, kaysa lumayas ang mga tao dahil sa maling pag-trato at pag-manage mo sa kanila.
  8. Kung ang napili mong negosyo ay isang physical store, kainan o kahit na simpleng kiosk, pinakamahalagang dapat na consider mo ay location. Kung sobrang ganda ng lugar at afford mo namang bilhin, bilhin mo. Parang property investment din yan. Location, Location, Location. Kahit nga minsan yung ibang negosyo na pagkain, kahit di masarap yung product bastsa maraming tao, kumikita ka pa din.
  9. Tandaan mo, lahat ng nagsisimulang negosyo ay dumaraan sa matinding pagsubok at hirap. Bakit? Dahil kailangan mong magpakilala sa mga tao kung ano ang product o service na ino-offer mo sa kanila. Pero kapag na-overcome mo ito at nagkaroon ka na ng mga “returning” customers, at kumikita ka na, sigurado “ayahay” ang buhay mo (narinig ko lang ito sa FM radio) at masasabi mong worth it lahat ng hirap mo.
  10. Walang “safe way” sa pagtatayo ng business. Laging itong may risk. Ang kailangan lang ay ma-mitigate o mapababa mo yung risk. Isa sa mga ways nga ay ang pagpa-franchise.
  11. Hindi naman komo nag-franchise ka ng isang tested business e uuwi ka na lang sa bahay at manonood na lang ng movies. Kahit tested ang business system, dapat nandun ka pa rin mismo para makita mo kung paano gumagana yung system ng franchise na binili mo. It’s pure hardwork pa rin kapatid.
  12. Mag-ingat ka na lang din at baka naman ang mabili mong franchise e franchise-franchis-an lang. Oo may fraud din na franchise. Kung gusto mo check kung fraud ba ang isang franchise, pwede mo itong check sa mga franchise association na mapagkakatiwalaan gaya ng Philippine Franchise Association at ng Association of Filipino Franchise Inc.
  13. Kung wala kang pambayad sa franchise at gusto mong mag-start ng business from scratch, mangopya ka na lang ng system nila at mag-observe kung paano gumagana yun. Huwag kang mag-alala, wala namang nadedemanda sa pagkopya ng isang business. Talunin mo na lang sila sa pamamagitan ng pag-offer ng better service or product, o kaya babaan mo yung presyo mo, o kaya mas gandahan mo pa yung packaging mo (oo effective to, kadalasan ng mga tao ay tumitingin kasi sa panglabas na anyo at malaki ang impact sa mga Pinoy consumers pag sa packaging pa lang e kaakit-akit na.)
  14. Kung mag-fail ang iyong business, huwag kang matakot na sumubok uli . Aralin mo lang kung saan ka nagkamali at kung bakit ka nag-fail para sa susunod hindi ka na magkamali sa parehas na dahilan. Hindi naman ibig sabihin mali yung business na napili mo kaya ka nag-fail. Maaaring mali lang ang location mo, o kaya naman ay sablay ang timing mo.
  15. Kung nasa abroad ka at may katiwala ka sa Pinas para sa iyong business, siguruhin mong ang kukunin mo e yung hindi “bantay-salakay”. Baka tuwing i-o-audit mo siya ang bukambibig niya sa iyo “lugi o mahina ang kita”. Pag ganito, mas mabuti pa na bago ka magtayo ng business sa Pinas e umuwi ka muna para matutukan mo itong mabuti. At least sure ka na hindi ka malilinlang ng katiwala mo pagdating sa pera. Mahirap talagang humanap ng katiwala na 100% mong mapagkakatiwalaan. Pag nakakita ka ng ganitong tao e para ka na ring nakakita ng mas mahalaga pa sa ginto at dyamante.


Job Vs Business… May pinagkaiba ba?


Kapag tinanong ka ng:

“Ano ang trabaho mo?”

anong isasagot mo?

E kung tinanong ka naman ng:
“Ano ang business mo?”

Ano naman ang isasagot mo?

Nakita mo yung pinagkaiba ng dalawa? Yung job o yung trabaho ay may kinalaman sa kung ano ang profession mo o kung ano yung specific job na naka-toka sayo. So halimbawa e isa kang OFW, maaari mong isagot na “isa akong OFW na nurse”. Hindi pwede na ito rin ang isagot mo sa tanong na “Ano ang business mo?”.

“Ang negosyo ko po ay OFW!”. Pwede sigurong ito ang sagot mo kung scammer ka sa internet na mahilig mang-biktima ng mga OFW, Haha… Hinde, hindi mo pwede isagot ito kung isa kang OFW. Maaari na ang sagot mo dito ay “Retailing po o Sari-Sari Store”, o kaya “Water Station po!”, o kaya “Carinderia po” o kaya “Online Selling Store po”.
Nakita mo na ang pinagkaiba ng isang negosyo sa trabaho? o ng “business” sa “job”?

Dalawang magkaibang bagay ito. At kung gusto mong maging successful na Entrepreneur, kailangan mong iwan ang seguridad na binibigay ng iyong “job” bilang isang empleyado.

———————-
Hanggang dito na lang muna. Sana ay may natutunan at napulot kayong mga bagong bagay mula kay Green Stickman™.

Tandaan mahirap ang kumita ng pera. Kaya i-check at aralin nating mabuti ang business na papasukin natin upang maiwasan natin ang malugi sa ating mga negosyo. Sa susunod ang pag-uusapan po natin ay tungkol sa ating mga kababayang OFW.

Kung nag-enjoy po kayo sa aking mga akda at financial advises, at kung sa tingin mo ay karapat-dapat itong i-share at malaman ng mga tao, share mo naman sa mga kaibigan mo sa Facebook at Twitter sa pamamagitan ng pagpindot sa mga buttons na ito:

Ooops, bago ko malimutan, in case na nagustuhan ninyo ang artikulong ito, at gusto niyo pang maka-tanggap ng mga artikulong may sense na kagaya nito, input nyo lang po ang inyong e-mail address sa form na nasa ibaba at si Green Stickman™ na po ang bahalang magpadala sa inyo ng mga updates.


SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Ang Pag-iwas Sa Mga Modern Financial Scams
NEXT TOPIC: Mag-a-abroad Ka Ba o Dito Na Lang sa Pinas?


May tanong ka ba o gustong idagdag? Post mo lang dito:(Kung ayaw ma-post, pwede ka pa ring mag-post sa pinaka-ibaba ng article na ito.)



Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some TIPS to keep this website alive by clicking the paypal button or sending Bitcoins to BTC address below:
paypalbtc
3HwMMYfNSWYSCa7fPtBoWKtW8mt9i6cpoe
btc
Click the QR Code or text above to copy the BTC Address.


OR better if you could support this website by buying my book (This is available both on paperback and e-book version)! A true Green Stickman avid reader would definitely have this one. Limited copies only for the paperback! So make sure to grab your copy.