Read the English Version of this article: Will You Buy a Brand New or a 2nd Hand Car?



SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Bibili Ka Ba ng Bahay o Mangungupahan Na Lang?
NEXT TOPIC: Ang Pagpapa-utang sa Kamag-anak at Kaibigan

Sunod sa bahay, ang pagbili ng sasakyan ang isa pa sa pinakamalaking gastos na pwedeng gawin ng isang tao sa buong buhay niya. Marami ang may pangarap na magkaroon ng sariling sasakyan. May bumibili ng sasakyan para may ipang-porma at ipagyabang at mayroon namang bumibili dahil talagang kailangan. Anu’t ano man ang dahilan, dapat mo pa ring i-consider ang financial aspect at personal aspect sa pagbili (Pwede mong i-relate dito yung sinabi ko tungkol sa 2 aspektong ito sa aking nakaraang artikulo na “Bibili Ka Ba ng Bahay o Mangungupahan Na Lang?) ng sasakyan. Sa Financial Aspect, ang brand new na sasakyan ay may cash outlay requirement na down payment na nagkakahalaga ng 40k-500k depende sa brand at modelo, at yung monthly amortization na minimum of 8k depende sa brand at modelo na siya namang babayaran mo sa loob ng at least 5 taon. Usually, pasok na sa usapan (o naka-package) ng mga car dealers para sa isang brand new na sasakyan ang car insurance at LTO registration para sa ilang taon.

Samantalang ang pagbili ng 2nd hand na sasakyan ay may cash outlay requirement na 1 time payment na nagkakahalaga ng minimum 30k to 300k depende sa brand at modelo. Pero bukod dito sa perang ito, dapat ay handa ka sa mga susunod na gastos para sa renewal ng car insurance, renewal ng LTO registration at ilang pang-car maintenance.


Kailangan mo ba talaga ng sasakyan?


Bago ka bumili ng sasakyan, mag-assess ka muna at itanong mo sa sarili mo: “Kailangan ko ba?”. Baka naman kasi kaya ka bibili ng sasakyan e para lang masabi na hindi ka “poor” o pampataas lang ng self esteem kung baga. Kung ang sagot mo ay “hindi, wala lang. wala lang akong paglagyan ng pera.” (Aba teka muna. Kung wala kang paglagyan ng pera e ipautang mo sa akin at patutubuan ko ng higit sa offer ng savings account sa banko para di sayang. hehe…), maigi siguro na huwag ka munang bumili ng sasakyan. Mas maigi na imbes na sasakyan ang bilhin mo, bili ka na lang ng shares ng mga kumpanya, kikita ka pa. Imbes na ibili mo sa isang item na nagde-depriciate ang halaga, ibili mo ito ng mga bagay na nag-a-appreciate ang value sa paglipas ng panahon gaya ng lupa o alahas.

Kung ang sagot mo naman ay oo, dahil kailangan mo talaga sa trabaho o sa dahil nahihirapan ka sa pagko-commute, sagutin mo naman yung sunod na katanungang ito:


Bibili ka ng sasakyan, e may pang-gas ka ba?


Okay, bibili ka ba ng brand new o second hand na sasakyan? Pero teka, may budget ka ba? Baka naman ang pera mo lang ay sakto sa amount ng sasakyan, maghunos-dili ka. Dapat mong i-consider sa budget hindi lang ang pambayad sa sasakyan kundi pati na rin ang monthly gas allowance mo. Baka naman may brand new ka ngang sasakyan ,pero hindi mo naman magamit dahil wala ka ng pera na pampa-gas at nauwi na lahat sa monthly amortization mo. So consider mo dapat yung budget o halaga na kaya mong pakawalan kada buwan (Basahin mo ang artikulo ko tungkol sa pagba-budget: BUDGET 101) .Baka kainin ka ng gastos ng sasakyan mo. Kung pipili ka ng sasakyan, dapat isaalang alang mo din kung gaano kalakas ang kain ng gasolina ng makina mo. Ok sana kung lampas 12 o 14 km per liter ang gas consumption. Kung hindi mo naman kailangan ng malaking sasakyan (wala ka pang maraming anak halimbawa), wag ka na muna bumili ng van o malalaking SUVs. Piliin mo na lang yung mga maliliit gaya ng Mitsubishi Mirage, Kia Picanto, Honda Jazz, Hyundai Getz, Ford Focus, Suzuki Alto, etc. basta yung mahina lang ang gas consumption. Maliit lang ang kaha nito, ayos na ayos na pamasok sa trabaho kung hindi kalayuan ang byahe mo. Speaking of “maliit”, baka naman Mini Cooper ang matipuhan mo. Huwag kang bumili nito at baka maubos ang budget agad ang budget mo.
new

Brand New o 2nd Hand?


Kung bibili ka ng brand new, walang problema basta may pera ka lang. At sa brand new na sasakyan, hindi problema ang maintenance. Bago e. At kung ayaw mo sumakit ang ulo mo sa maintenance, maghanap-hanap ka na ng buyer mo pagkatapos ng 3 hanggang 5 taon. Ganito ang ginagawa ng mga may pera na nagba-buy and sell ng sasakyan. Iwas sakit ulo sa maintenance, tapos bibili ng bago. Kaya makikita mo, ang daming mga 2nd hand cars na magaganda pa ang itsura at hindi pa bugbog sa labas. Pero pag binili mo ay salu-salo mo lahat ng dapat na ipaayos at ipalit na piyesa.

Kung meron ka naman talagang pera, o kaya naman e sagot ng kumpanya at meron ka lang kaunting participation sa payments, bakit hindi? “Go” ka na sa brand new. Pero huwag ka lang agad ma-attract sa mga car shows. Minsan pag sumakay ka sa mga sasakyan sa mga car shows na ito, pakiramdam mo naman talaga e mas pumopogi ka. Yung tipong kahit nga hindi ka talaga guwapo e feeling mo ang lakas ng dating mo. Well ginawa ito ng mga car dealership na ganun ang maramdaman mo. ”Marketing strategy” ika nga. Yung mga sasakyan na ito ay nilinis, pinakintab at pinaganda sa lahat ng aspekto para ma-engganyo ka na bilhin.

TRIVIA: Alam nyo ba na sa oras na bilhin mo ang sasakyan, paglabas na paglabas mo sa show room na pinagbilhan mo, ay hindi mo na ito pwede ibenta sa parehas na halaga? Bagsak na agad ito ng 30%-40% ng original value ng sasakyan (Sabi ng ibang nagbenta, pwede pa naman daw starting from 20%).

Kailan ka dapat bumili ng second hand? Well unang-una e pag wala kang malaking budget. Pero remind ko lang sa’yo na kapag bumili ka ng second hand, hindi lang gas allowance ang dapat na mayroon ka kundi pati na rin “car maintenance” allowance. Hindi biro ang maintenance ng sasakyan at ito ang iniiwasan ng mga may pera na bumibili ng brand new. Ilan sa mga ito ay yung:

  • • change oil and oil filters (800 pesos to 1000 pesos depende sa type ng oil at filter.)
  • • change new car battery (depende sa tatak at klase pero nasa 2,000 to 6,000 Pesos)
  • • pagpapalinis ng cooling system (radiators and coolants) (500 sa pagpapalinis ng radiator at 200 -500 sa coolants at distilled water kung maselan)
  • • maintenance ng electrical system (change alternator or serpentine belts na nasa 300-400 Pesos depende sa klase)
  • • palit ng spark plugs (mura lang to kung marunong kang magpalit at may “tools” ka. Pero kung idadaan mo sa mekaniko, nasa 500 kanya na yung spark plugs.)
  • • pagpapadagdag ng freon ng aircon (nasa 200-300 pesos)
  • • belt ng aircon (nasa 300-400 pesos kamukha ng sa alternator belt)
  • • palit ng tires o gulong (depende sa klase pero minimum 2000 pesos ang isa depende sa brand at laki, wheel balancing na 300 kada gulong, kung kailangan palitan yung “pito” 100 kada gulong)
  • • palit ng hydrovac para sa breaks (nasa 1,500 to 2,000 ang second hand nito)
  • • At marami pang iba… (rubber hose, fan belts, etc.)

Ito ang mga dapat mong i-consider bago ka bumili. Again, depende ito sa laki, brand at modelo ng sasakyan. Ito rin ang mga dapat mong mga usisain sa unang may-ari ng sasakyan. Dapat alamin mo ang history ng car maintenance na ginawa sa sasakyang binibili mo.

Green Stickman™ Tips sa pagbili ng second hand na sasakyan

  1. Unang una, mag-decide ka kung anong brand ang bibilhin mo. Dapat yung swak sa budget mo. Kung may budget ka na 100k to 300k, maganda-gandang klase ka ng mabibili nito. Pero kung ang budget mo ay nasa 70-100k, makakabili ka na ng second hand o lumang modelo kagaya ng Corolla. Kung naghahanap ka ng mas mababa pa, may mabibili ka naman na sasakyang matino pero maliit lang kagaya ng sedan na Kia Pride, Mitsubishi “Singkit”, o kaya yung Daihatsu Charade sa halagang 50-70k. Pero mga year 1990 to 2000 model na ito. Less than 50k? Meron ka pa rin naman makukuha na 30k to 50k pero may promo package ito na mas madaming sakit ng ulo. Kung ang purpose mo e matuto lang mag-drive at matuto ng maintenance ng sariling sasakyan, pwede na rin ito sa iyo.
  2. Mas okay kung kakilala mo ang dating may ari. Mas okay kung madaling contact-in at sumasagot kapag nag-text ka. Kung hindi sa kakilala, try mo yung mga foreclosed cars sa mga bangko. Kung wala pa rin, subukan mo sa mga casa or car warehouses and auctions. Kung wala pa rin matipuhan o namamahalan ka, maghanap ka na rin sa internet ng mga private owners na nagbebenta ng mga sasakyan nila.
  3. Sa pagbili ng sasakyan, whether sa banko (foreclosed cars), car auctions, o private owners, magdala ka ng “trusted” mong mekaniko na pwedeng tumingin. Yung tipong sa tunog pa lang ng sasakyan e alam na kung ano ang problema. Oo, meron nun. May mga mekanikong sobrang experienced na nakakapag-diagnose ng sasakyan sa pamamagitan lang ng tunog. Okay na okay na dalhin ang mekaniko lalu na kung foreclosed cars sa bangko dahil hindi mo pwedeng i-test drive ito. Pwede lang i-start at buksan ang hood for visual inspection.
  4. Check mo yung mileage ng sasakayan. Mas maliit na kilometers o miles, mas okay. Kung lampas na sa 100,000 miles, nasulit na ng dating may ari yan. Panalo kung makakakuha ka ng less than 100k ang mileage.
  5. Check mo yung gulong kung pudpod na. Check mo rin mabuti kung okay ang nuts and bolts or wheel studs ng gulong kung kumpleto. Check mo mabuti kung mahigpit ang mga ito. Make sure din na may reserba ka pang gulong. Check mo na rin sa hood kung meron itong “early warning device” na approved ng LTO. Nasa 500 pesos din ito at tingin ko ay kailangan talaga na meron ka nito.
  6. Check mo yung baterya kung puro kalawang na ang terminal at connectors (may omido pag matagal na hindi nalilinis). Tanong mo rin kung nasaan ang warranty card ng battery (may pakinabang ito lalu na kung “Motolite” ang battery na gamit ng sasakyan. Siya nga pala, in case na bibili ka, pwede mo pa ring ibenta sa car battery dealers yung gamit mong baterya. Nasa 300 pesos din yun.
  7. Visual inspection ng sasakyan. Check mo ang bawat locks ng pinto pati na rin ang bintana kung walang dapat na ipagawa. Check mo rin ang mga ilaw sa loob at sa labas (head lights, dome light, signal lights). Pati na yung mga gauges kung gumagana. Fuel, tempeature, ammeter. Kung may stereo, check mo rin kung makakapagpatugtog ka.
  8. Mahalaga rin na ma-check kung okay pa ang interior kagaya ng mga car seats at seat belts. Check mo kung nare-recline at na-a-adjust yung front seats.
  9. Check mo rin kung puno na ng masilya o “fillings” yung kaha o car body ng sasakyan sa pamamagitan ng pag-katok sa kaha. Yung mga mekaniko alam ang tunog ng purong “lata”. Anong sense? Kung maraming masilya, well maraming bangga.
  10. Sa bawat makita mong kailangan na palitan, ihingi mo ng discount o “tawad”. Wag kang padala sa emosyon at wag kang maging atat sa pagbili. Learn to negotiate well sa price dahil ikaw din ang mamumrublema bandang huli.
  11. I-start mo yung sasakyan. Dapat 1-click start yan. Kung mag-start sa pangalawang ignite, isipin mo na agad na may papalitan kang pyesa. Kung mag-start after “few” trials, wag mo na bilhin. Baka makabili ka ng sakit ng ulo.
  12. Kung pwede i-test drive, i-drive mo. Idaan mo sa mga pwedeng mag U turn, pakinggan mo kung may mga kakaibang “ticking” sound pag lumiliko.
  13. Pa-check mo sa mekaniko kung nabaha ba yung sasakyan. May mga putik na hindi basta naaalis na pwede nila masabing galing sa “scuba diving” yung car.
  14. Check mo yung documents ng sasakyan. Kailangan naroon ang orihinal na CR (Certificate of Registration) at OR (Official Receipt) ng LTO Registration. Marami ang nagbebenta ng sasakyan na paso o expired na ang rehistro. Mahal ang babayaran mo sa pagpaparehistro kaya tingnan mo maigi kung ilang taon na itong expired. Kung pwede bago mo bayaran e ipa-parehistro mo na muna sa may ari. Kung ayaw, humingi ka ng malaking discount. Mahal din ang late registration sa LTO. Gagastos ka din ng siguro nasa 3000 to 4000 bawat taon na expired. So kung 3 years na itong expired, humingi ka ng 9 to 10k na discount. Kung ayaw, kahit 7k, pwede na.
  15. Check mo rin kung “Open Deed of Sale” siya. Pag kasi bumili ka, kung gusto mo na maipangalan mo sa pangalan mo yung sasakyan, kaialangan niyo magpa-notaryo sa abugado. Kailangan nyo magpirmahan ng kasulatan na tinanggap niya yung pera na ibabayad mo. Kailangan ito kung may plano ka nga kung ipalipat sa pangalan mo yung car.
    Pero in case na hindi mo ipalipat, okay lang din naman. Hindi naman ibig sabihin noon e hindi ikaw ang may-ari dahil binili mo nga ito sa kanya. Siguruhin mo lang na may mga kopya ka ng ID ng nagbenta (pwedeng ahente o pangatlo o pang-apat na may ari), at ID nung mismong nakapangalan sa Certificate of Registration (CR). Maipaparehistro mo pa rin naman ito kahit hindi ikaw ang nakapangalan. Basta dapat may CR at latest OR. Kasama din dito karaniwan yung car insurance.
  16. In case na bilhin mo ang sasakyan, photo copy mo lahat ng documents mo at iyon ang ilagay mo sa loob ng sasakyan. Iwan mo sa bahay ang mga original documents at mas okay kung napa-scan mo lahat ito para mayroon kang “soft copy” na naka PDF o kaya JPG file.

new
Kung first time mong magkakaroon ng sasakyan, at hindi ka pa magaling mag-drive, maaari mong i-consider na bumili muna ng 2nd hand. Bakit? Para kung sakaling maibunggo mo o magasgasan habang nagpa-practice driving ka e hindi masayadong masakit sa pakiramdam. (Haha… Sinasabi ko ito base sa personal na experience). Sa mga ganitong pagkakataon masasabi mo :”Buti na lang hindi brand new!”. Well okay lang naman na bumili ka ng brand new, pero I suggest, mag-enroll ka sa driving school para pag ginamit mo na ang sasakyan mo e mas “swabe” ka na mag-drive.

Hanggang dito na lang muna. Sana ay natulungan ka ni Green Stickman™ na makapag-decide kung bibili ka ba ng brand new o 2nd hand na lang na sasakyan. Pero huwag mo sanang kalimutang i-consider ang binigay ko na 3rd option na: “I-invest mo na muna yung pera mo, at mag-commute na lang.”.

Tandaan, mahirap ang mag-ipon ng pera, kaya bago mo ito ipangbili ng sasakyan, dapat ay maisa-alang-alang mo ang lahat ng dapat na i-consider. Mas okay syempre na buo din ang iyong emergency fund bago ka bumili ng sasakyan.

Ooops, bago ko malimutan, in case na nagustuhan ninyo ang artikulong ito, at gusto niyo pang maka-tanggap ng mga artikulong may sense na kagaya nito, input nyo lang po ang inyong e-mail address sa form na nasa ibaba at si Green Stickman™ na po ang bahalang magpadala sa inyo ng mga updates.


At kung tingin mo ay karapat-dapat itong i-share at malaman ng mga tao, share mo naman sa mga kaibigan mo sa Facebook at Twitter sa pamamagitan ng pagpindot sa mga buttons na ito:

SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Bibili Ka Ba ng Bahay o Mangungupahan Na Lang?
NEXT TOPIC: Ang Pagpapa-utang sa Kamag-anak at Kaibigan


May tanong ka ba o gustong idagdag? Post mo lang dito:(Kung ayaw ma-post, pwede ka pa ring mag-post sa pinaka-ibaba ng article na ito.)



Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some TIPS to keep this website alive by clicking the paypal button or sending Bitcoins to BTC address below:
paypalbtc
3HwMMYfNSWYSCa7fPtBoWKtW8mt9i6cpoe
btc
Click the QR Code or text above to copy the BTC Address.


OR better if you could support this website by buying my book (This is available both on paperback and e-book version)! A true Green Stickman avid reader would definitely have this one. Limited copies only for the paperback! So make sure to grab your copy.