Read the English Version of this article: How to Make a Budget Plan


SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
NEXT TOPIC: Ang Pagbuo ng Iyong Emergency Fund

Napansin ko na mas nakararaming Pinoy pa rin ang bumibisita dito sa website ko. 54% ng web traffic ko ay mga kababayan kong Pilipino kung kaya naisipan ko na gumawa ng mga artikulong Tagalog (o mas mabuting sabihing “Tag-Lish”) nang sa gayo’y mas maging kapaki-pakinabang sa lahat ng ating mga kababayan, mas madaling maintindihan, at mas madagdagan ang ating kaalaman sa wastong paggamit ng ating pera at lahat ng mga bagay na may kinalaman sa pinansiyal(financial).
website traffic graphl

Ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa pagba-budget. Marami sa ating mga Pinoy ang kumikita ng pera pero parang laging kapos at tila walang naiipon. Minsan gastos tayo ng gastos para sa mga kailangan at mga gusto natin hanggang sa magugulat ka na lang na wala ka na palang perang madudukot sa bulsa. Ang masakit e kapag may “emergency” ay wala kang choice kungdi mangutang sa mga kaibigan o kamag-anak. Malamang nangyari na ito sa’yo. At isa sa maaaring dahilan ay ang hindi wastong pagba-buget sa perang hawak mo kaya mo naranasan ito. Ako man, personally, ay nakaranas din naman nito. Kaya hindi ka nag-iisa at hindi tayo dapat mahiya na sabihing minsan isang panahon sa ating buhay ay nagkamali tayo sa pagba-budget.

Teka, ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang BUDGET? Ang isa sa mga magandang definition ng budget ay yung sinabi ni pareng John Maxwell na: “A BUDGET is telling your money where to go instead of wondering where it went.”. Sa tagalog, ang Budget ay ang paglalaan ng pera kung saan mo ito dadalhin ng sa gayo’y hindi ka magtaka kung saan nga ba napunta at kung bakit naubos ang pera mo.

Marami sa ating mga kababayan ang hindi marunong kung paano nga ba ang tamang pagba-budget. Marami ang basta nagsusulat at nagtatala lang ng kanilang Income at Expenses, at yun, tapos na.

Sa totoo lang, mayroong tamang proseso ng pagba-budget. Siguruhin na gagawin mo ang tatlong prosesong ito kapag nag-budget ka:

1.) Ilista mo ang budget sa 3 bahagi: Income, Expense at Savings
2.) I-monitor ang budget versus sa iyong actual na paggastos
3.) I-refine mo ang budget mo


3 Bahagi ng pagba-budget na dapat mong ilista:

Income. Savings. Expense.


Kagaya ng nasabi ko, maraming kababayan natin ang gumagawa ng budget na ang nililista lang ay ang Income at Expenses. Kung alin pa yung pinaka-importante yun pa ang nakalimutan ilista… ang Savings.

At kung isama man ng iba ang savings sa listahan e pinakahuli pa. Kung ano na lang ang matira, yun lang ang ise-save. Para bang ang “savings” ay isang bagay na optional.

Income – Expense = Savings

Nauna muna niyang bayaran ang kung anu-ano kaysa bayaran muna ang sarili niya. Dapat sana,

Income – Savings = Expenses

Mag-save ka muna bago ka magbayad sa iba. Bago ka magbayad sa iba, bayaran mo muna sarili mo.
budget
Kung ano ang matira sa Income minus Savings mo, yun lang dapat ang mong pagkasyahin sa mga dapat na bilhin at bayaran mo.

E magkano naman ang dapat mong i-save? Kung kaya mo na itabi yung 20% ng kinita mo, mas mabuti. Pero kung hindi pa ganun kalaki ang sahod mo, pwede ka naman mag-adjust at gawing 10% ng kita mo ang itabi mo kada buwan. Kaya kung kumikita ka ng 20, 000 pesos, dapat maitabi mo na agad yung 2,000 pesos mo kung 10% ang ginamit mo. Ibig sabihin, siguruhin mong may itinabi ka na 1,000 pesos bawat kinsenas at katapusan ng buwan.

Pero dapat mo isipin na ang “Savings” ay nahahati din naman sa 3: Emergency Fund, Short Term Goals at Long Term Goals. Tatalakayin natin ito sa ibang artikulo ng mas detalyado. Pero sa ngayon, ang dapat nating malaman ay ang tamang pagbe-breakdown ng 3 components na ito.

Ang isang pinakamabisang gawin para magawa mo ito ay ang paggamit ng spread sheet kagaya ng Microsoft Excel. Ilista mo ang 3 ito. para magka-idea ka kung anu-ano ang dapat puntahan ng pera mo.

At para malagyan mo ng data yung budget spreadsheet mo, kailangan mong i-record ang lahat ng gastos mo sa loob ng 2 linggo. Para magawa mo ito, magdala at isulat mo ang lahat ng gastos mo araw-araw sa isang notebook. Swerte na nga din tayo ngayon at mayroon ng mga “Apps” na pwedeng gamitin sa pag-log ng gastos mo. Ang ginagamit ko ay yung Android App na Expense Manager na libre mong mada-download sa Google Play o Android Market.

Pagkatapos mong maitala ang lahat ng gastos mo araw-araw, isulat mo ngayon ito sa spreadsheet mo para makita mo ang mga normal na labas ng pera araw-araw.

Income Amount Savings Amount Expenses Amount
January 1-15,2014 (Salary) 10,000 Emergency Fund 700 House Rent 4,000
Photo (Sideline) 2,000 Long Term Goal 500 Food/Groceries 3,000
TOTAL 12,000 1,200 7,000

Sa spreadsheet pa lang, makikita mo na agad kung saan ka dapat magtipid at kung kailan ka dapat maglaan ng pera para sa mga “fixed” dates na araw ng bayaran (At maaari ka ring gumawa ng mas detalyado pa dito para ma-suri mo kung ano ang mga ipinamili mo sa loob ng 3,000 pesos na grocery). Kung halimbawa naghuhulog ka ng bahay kada a-kinse ng buwan na 4000 pesos, itabi mo ito bago pa ang nasabing araw. Kung kailangan na bawasan mo ang “extra rice” para mag-swak sa budget mo, gawin mo. Kung kailangan na magtiis ka na huwag munang manood ng ilang TV shows para mabawasan ang electric bill mo gawin mo. Kung kailangan na once ka lang maligo sa isang linggo, ay teka muna… dapat lang na araw-araw kang maligo dahil bawal din naman ang magkasakit!
:-D
Gagawa din ako ng iba’t ibang paraan ng pagtitipid sa mga susunod na artikulo ko.


i-Monitor mo ang budget na ginawa versus sa expenses mo


Ngayon na naisulat mo na lahat ng mga kailangan mo, kailangan mo ng i-monitor kung tama ba budget na nilaan mo sa loob ng 2 Linggo. Kung hindi makatotohanan ang ginawa mo, at ang nangyayari e wala ka pa rin ma-save e dapat mong mapagtanto na niloloko mo lang ang sarili mo. Tingnan mo kung saan ka nagkamali. Balikan mo yung budget mo at itama mo habang maaga. Dapat hindi masyado malayo yung ini-allot mong pera sa actual na paggastos mo.


I-refine mo ang budget mo

Ayos na, nakaka-pag save ka na ng 10% kada buwan. Pero teka, baka naman kaya mong gawing 15%. E kung 20% kaya? Kung tingin mo maluwag ka pa rin sa pag gastos at nakakabili ka pa ng ilang bagay na luho at layaw mo (Wants) dapat maisip mo ba mag-refine ng budget mo. Sa totoo lang, may mga tao na nakakapag-save ng kahit 50% ng income nila. I-challenge mo ang sarili mo para magawa mo ito. Para sa ganun ay maging stable ang Emergency Fund mo, at patuloy kang makapag-invest sa mga short term at long term goals mo (tatalakayin natin ito sa ibang mga artikulo). Save-save din ng money pag may time!
budget

Kung may katanungan kayo tungkol sa pagba-budget at kung may gusto kayong idagdag para sa ikabubuti ng kapwa nating mga Pinoy, mag-comment lang po tayo sa baba ng artikulong ito (Ngayon ay pwede na rin po kayong mag-comment sa artikulong ito gamit ang inyong Facebook account).

Kung tingin mo ay karapat-dapat itong i-share at malaman ng mga tao, share mo naman sa mga kaibigan mo sa Facebook at Twitter!


Tandaan, kung gaano kahirap kitain ang pera, ganun din kahirap na itabi at palaguin ito.

Ooops, bago ko malimutan, in case na nagustuhan ninyo ang artikulong ito, at gusto niyo pang maka-tanggap ng mga artikulong may sense na kagaya nito, input nyo lang po ang inyong e-mail address sa form na nasa ibaba at si Green Stickman™ na po ang bahalang magpadala sa inyo ng mga updates.



SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
NEXT TOPIC: Ang Pagbuo ng Iyong Emergency Fund


May tanong ka ba o gustong idagdag? Post mo lang dito:(Kung ayaw ma-post, pwede ka pa ring mag-post sa pinaka-ibaba ng article na ito.)



Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some donation to keep this website alive by clicking the button below:

Be a Green Stickman™ fan. Click my Facebook "like" Button Here:
To all the people who clicked the "LIKE" button of my Fan Page, THANK YOU VERY MUCH! :D