Kung baguhan ka sa pagte-trade sa stocks market, iwasan mong sumali sa mga groups na pwedeng mang-hype sa iyo na bumili ng certain stocks. Baka mapasama ka sa kanilang “Bandwagon“.

BANDWAGON EFFECT


bandwagonEffect_gsm1
Alam niyo yung “Bandwagon Effect” sa psychology?

Isa itong phenomenon kung saan ang isang tao ay naniniwala sa isang bagay, kasi “marami” ang naniniwala na ganun yung bagay na yun. Parang pamahiin. Kahit di mo alam kung bakit naging malas makasalubong ng itim na pusa, naniniwala ka na rin. Kasi marami ang naniniwala. Kahit di mo alam kung totoong nakakatangkad kapag tumalon ka sa pagsalubong sa bagong taon, tumatalon ka. Kahit di mo naman kailangan ng cellphone bumibili ka, kasi lahat ng mga kaibigan mo ay may cellphone. Noong nakaraang eleksyon, ginamit din itong taktika ng mga politiko para iboto sila ng mga taong gusto lang makisabay sa boto ng “majority”.

Sa stocks trading ganun din. Kung mapaniwala ka ng isang grupo na ang tamang sistema ay “pagbobodega” kahit palugi ang stocks, gagawin mo rin yun at bibili ka kahit palugi ang isang stocks. Ang masakit, ay yung mapaniwala ka nila at tumibay ang paniniwala mo na tama ang ginagawa mo. Kaya kahit lugi na yung pera mo, feeling mo tama ka pa rin. Kasi yun din ang ginagawa ng karamihan sa mga kasama mo. Lahat kayo ay nakasakay sa isang “Bandwagon” ng “maling idea”. Pero dahil grupo kayo, isang pagtataksil kapag umalis ka sa idea ng grupo.
bandwagonEffect_gsm2

Naniniwala ka na profitable ang system nila, kahit wala naman silang pinapakitang proof sa iyo na kumita nga sila sa pinaggagagawa nila. Naniniwala ka dahil kasama mo sila sa group o sa forum kahit hindi mo sila kilala personally. Ni hindi mo alam kung ano ang tunay nilang intention o motibo. At hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin sa pera mo.

Tandaan mo, walang magkakaibigan pagdating sa stocks trading. Survival of the Fittest ito. Isang digmaan na patibayan ng dibdib. Ang ma-intimidate ng kapwa trader ang siyang natatalo.

So kung hindi mo alam ang gagawin. Relax. Huwag kang magmadali. Mag-aral ka muna at magplano. Masarap mag-trade kapag alam mo na ang ginagawa mo. Maghanap ka ng pwedeng magturo sa iyo. Yung kayang magturo kung paano ka makakahuli ng malaking isda sa malawak na karagatan ng stocks market.

I hope you learn something from this article. Happy investing and trading! :)

Is this article helpful? Do you want to receive very useful stocks trading articles like this? Subscribe to Green Stickman Stocks Trading Newsletters to get updates! I am also giving a lot of freebies like cool e-books tips, and software delivered right into your mailbox.


Hey! I also have a “Stocks Recommendation” service where I recommend stocks every week. To get this ‘Premium Subscription’, you can read the details HERE.


Do you have anything to add? Just post your comment below:


DISCLAIMER: Images used in this post is not mine.


Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some donation to keep this website alive by clicking the button below:

Be a Green Stickman™ fan. Click my Facebook "like" Button Here:
To all the people who clicked the "LIKE" button of my Fan Page, THANK YOU VERY MUCH! :D