Ooops… teka, hindi pa ako nananalo. Hehehe… Pero ma-a-appreciate ko kung tutulungan niyo kong manalo. Isa sa masugid na mambabasa ni Green Stickman™ ang nag-nominate sa blogsite na ito www.gayward-concepts.com para sa gaganaping 1st Angat Pilipinas Awards Night. Naka-nominate po ang blog site na ito ni Green Stickman™ para sa category ng Personal Finance Blogger of the Year Award.

Kung isa rin kayo sa masugid na taga-subaybay sa mga artikulo ni Green Stickman™ , sana ay dagdagan niyo pa ang aking bilang o boto upang manalo. Kung may premyo itong trophy, idi-distribute ko po sa inyo yung bawat piyesa sa mga nag-nominate sa akin, basta sa akin lang po yung cash prize kung meron man. Hehehe… Syempre biro lang. Kung sakali namang palarin, at kung may cash prize ito, makasisiguro kayong mapupunta ito sa mas kapaki-pakinabang at mas malakas na programa ni Green Stickman™ . Malay mo, hindi lang sa internet blog mo lang makikita at masusubaybayan ang aking mga artikulo. Baka sa susunod e marinig niyo na rin ako sa Radyo (Ayoko sa TV, gusto ko may kaunting ‘suspense’ parang si Midnight Phantom na TV series sa Channel 2).

angat pilipinas awards night
Sayang nga lang at hindi ko pa tapos yung libro ko para masama rin sana ako sa Influential Author of the Year Award, pero okay lang yun. Masaya na ako kung tutulungan ninyo akong manalo sa Personal Finance Blogger of the Year Award na category. :)

Paano mo dadagdagan ang boto ni Green Stickman™ ?

Simple lang ito lamang ang gawin ninyo:

  1. Una ay pumunta kayo sa official nomination page ng Angat Pilipinas dito sa link na ito: http://angatph.com/1st-angat-awards-and-nominations/
  2. Next, sa ibaba ng page ay makikita ninyo ang Nomination Form. Ilagay at i-type ninyo sa Nominee’s Name text field ang Green Stickman .
  3. Sa Category, select niyo lang sa dropdown list ang Personal Finance Blogger of the Year Award
  4. Kung may gusto kayong sabihin tungkol kay Green Stickman™ , sulatan mo lang ang Text Box na may field na: “Is there anything else you’d like to mention about your nominee?”. Pwede niyong sabihin kung gaano ka-gwapo ng nominee ninyo… hehe… biro lang. Pwede ninyong sabihin na madali ninyong naiintindihan ang mga akda ni Green Stickman™ dahil pinapa-simple niya mga paliwanag sa mga komplikadong paksa. Naks!(Hoy feedback lang sa akin ito ng isa sa mga readers! Hehehe…). Mas okay din kung babanggitin ninyo dito ang link ng aking website na ito: www.gayward-concepts.com
  5. Sa Nominator’s Name, ilagay ninyo ang inyong pangalan. No Cheating! Wrong spelling is wrong!
  6. Sa Nominator’s e-mail address naman ay ilagay ninyo ang address ng bahay ninyo. Hinde, siyempre ang ilalagay mo e yung e-mail address mo! :D
  7. Ngayon sa baba ay may makikita kayong Verification section na nagsasabing “Please enter any two digits”. Mag-type ka lang ng 2 numbers. Numbers ha! Baka naman letter ang ilagay mo. 2 numbers na favorite mo. Well, verification lang naman ito para malaman nila na hindi robot ang nagnonominate. Parang Captcha ang dating pag nagre-register kayo.
  8. Hanggang February 20 na lang ang nomination. Ang botohan ay mula February 21 hanggang 27. At ang announcement ng top 5 finalist ay sa February 28. Pero ang mismong awards night ay sa April 16, 2015. So huwag na kayong magpatumpik-tumpik pa sa pag nominate. NOW na! As in nominate niyo na si Green Stickman™ ngayon na! LOL!
  9. And lastly, tandaan, na pwede lang kayong mag-nominate ng isa sa bawat category. At isang e-mail address kada isang boto lang po ito. Kaya kung 3 ang e-mail mo, gamitin mo na rin yung 2 mo pa para madagdagan ang nomination ko. Hehe…

O paano? Hihintayin aasahan ko ang suporta ninyo ha. Daig ko pa nangangampanya sa eleksyon nito. Kung sino ka mang reader na unang nag-nominate sa akin, dapat ikaw ang Campaign Manager ko! Hehehe… Pero salamat sa iyo. At salamat sa inyong lahat na magno-nominate sa akin.

Pero isa ang sinisiguro ko sa inyo. Que manalo, o matalo, tuloy ang advocacy ni Green Stickman upang isulong ang financial literacy sa lahat ng ating mga kababayan.

MARAMING SALAMAT PO… (bigyan niyo ko ng 77 na palakpak sa Awards night!) :)




Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some TIPS to keep this website alive by clicking the paypal button or sending Bitcoins to BTC address below:
paypalbtc
3HwMMYfNSWYSCa7fPtBoWKtW8mt9i6cpoe
btc
Click the QR Code or text above to copy the BTC Address.


OR better if you could support this website by buying my book (This is available both on paperback and e-book version)! A true Green Stickman avid reader would definitely have this one. Limited copies only for the paperback! So make sure to grab your copy.