Lazada Philippines


SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Maaari Ka Nga Bang Kumita Kahit Natutulog?
NEXT TOPIC: Ang Matipid at Walang Gastos ng Bakasyon



Oo, hindi lang pagkatapos ng inuman ang pagkakaroon ng “Hangover”. Sa mundo ng finance, mayroon din tayong tinatawag na “Holiday Financial Hangover”. Karaniwan na nararanasan ito ng isang gumagastos pagkatapos ng handaan o nasabing holiday. And I am telling you, nakaka-stress talaga ito. Sino ba naman ang hindi ma-i-stress pag sinabi sa’yo ng ATM Machine na “You don’t have enough funds to make this transaction.” kung ang wini-withdraw mo lang naman e 500 pesos?

Aminin natin at hindi… marami sa ating mga Pinoy ang mahilig maghanda sa mga okasyon na hindi iniisip at pina-plano ang maraming gastos pagkatapos ng handaan. Kahit walang panghanda, naghahanda! May mga kakilala pa ako na nangungutang para lang mairaos ang mga okasyon gaya ng Noche Buena ng PASKO at Media Noche ng Bagong Taon. May nagdidiwang pa ng “3 Kings” (Sa ilang probinsya), at idagdag mo pa yung kabi-kabilang family reunion. Hindi ko sinasabing huwag kang maghanda, pero para mangutang ka pa para lang makabili ka ng HAMON at KESO DE BOLA, at masabi ng mga kapitbahay mo na hindi ka “POOR”, ibang usapan na yun. Alamin mo ang limits at kakayahan mo when it comes to spending your “hard-earned money”.

Most of the time kasi, hindi natin namamalayan na marami sa ating ang nag-o-OVERSPEND. Marami ang nasisimot ang bank savings account sa simpleng dahilan na na-CARRIED-AWAY tayo sobrang saya ng pagbibili ng mga regalo para sa mga bata at mga mahal natin sa buhay. Isama mo pa yung mga malulutong na tig-ti-20, tig-fi-50, at tig-wa-100 na paper bills na pinalit mo sa bangko na ipamimigay mo rin sa kanila (malamang e makikiuso ka rin at ilalagay mo ito sa “Ang-Pao”. Alam mo yun? Yung red envelope na ginagamit ng mga chinese? Hehe… Hindi ko lang alam kung tama ang spelling ko dahil di naman ako marunong mag-Chinese). At hindi ko pa binabanggit dito yung mga “out-of-town” vacation and trips na naiisip mo para mapasaya ang pamilya mo.

Ang BOTTOMLINE (ni Boy Abunda), marami sa atin ang baon sa utang pagkatapos. Yung iba, talagang nagne-negative pagkatapos ng mga holiday vacation at handaan.
financial holiday hangover ad 1
Bakit ganito? Dito kasi sa Pilipinas, nabubuhay tayo sa kultura na ang mga tao ay mahilig magdiwang at magsaya.  Masyado tayong “relational” kaya nga patok na patok sa atin ang Facebook ni pareng Mark. Mahilig tayong magbigay ng regalo sa mga mahal natin sa buhay, at pati sa mga hindi naman natin ka-good at mga taong hindi natin gusto. “Spirit of Christmas” daw o kasama sa “New Year Resolution” niya… pero after ng pasko o pagkalipas ng ilang panahon e magkagalit naman uli sila. LoL! :)

Paano tayo makaka-iwas o makaka-recover sa isang Holiday Debt?

Sa totoo lang, applicable din dito yung kasabihang “Prevention is better than cure”. Kung maiiwasan natin ito sa pamamagitan ng hindi pag-o-over-spend, mas mabuti. Pero in case na nandyan na siya or “the damage has been done” ika nga, ito ang dapat nating gawin para maka-recover sa isang holiday debt:

  1. Tanggapin mo ang katotohanan na nag-over-spent ka. Oo, minsan kasi yung iba e nasa denial stage pa rin. Tanggapin mong may sakit ka… May sakit ka sa bulsa. Hehehe…
  2. Humanap ka ng mga paraan para maka-recover. Pwedeng maghanap ka ng ibang pagkakakitaan para pangtakip at pangbayad sa mga nautang mo.
  3. Mag-decide ka kung aling budget ang ika-cut mo. Alin ba sa mga budget mo ang pwede mong bawasan para makaraos ka sa mga pinagkautangan mo. Tandaan mo, mahaba yung months mo uli para makapag-ipon.
  4. Bawasan o alisin mo ang mga “wants” mo sa listahan sa mga susunod na buwan. Maghigpit ka ng sinturon kagaya ng sinabi ko sa aking artikulong: “Matutong Mamaluktot Kahit Mahaba ang Kumot”


Paano Natin Mape-Prevent ang Holiday Overspending?


Dalawang bagay lang para ma-prevent ang sobrang paggasta sa mga ganitong panahon.

  1. Una, gumawa ka ng Holiday o Christmas budget at pilitin mong masunod ito. Isulat mo kung sino-sino ba ang pagbibigyan mo at magkano ang ibibigay mo sa bawat pagbibigyan mo. Prioritize mo sa listahan yung mga taong gusto mo talagang bigyan ng regalo at gusto mong mapasaya (Uso pa naman ngayon yung mga namamasko pati hindi mo naman kilala). At mag-decide ka rin kung magkano ang ilalaan mo para sa mga magaganap na handaan.
  2. At isulat mo ang lahat ng budget na ito sa notebook (o excel file) at i-compare o ibangga mo ito sa actual expenses. Marami ang lumalampas sa kani-kanilang budget kasi hindi nila isinusulat kung ano ang mga bibilhin at pagkakagastusan nila. Make sure lang na masusunod ang budget plan mo. Kung nag-decide ka na hanggang 300 pesos lang ang limit mo halimbawa sa inaanak at mga pamangkin mo, huwag kang lalampas dun. Kahit pa gaano kaganda yung laruan, kung lumampas sa limit mo, ibalik mo yan kapatid sa pinaglalagyan niya para hindi ka mag-over spend.

Green Stickman™’s Holiday Overspending Prevention Tips

  1. Learn from your lessons. Kung nabaon ka sa pagkakautang this year dahil sa nakiuso kang magbibili ng mga pang-regalo, pang-handa at pagta-travel dahil bakasyon, next year dapat hindi na ito maulit uli. Huwag mong gawing hobby ang pagkakaroon ng utang every YEAR-END. :)
  2. Humanap ka ng ibang ways para kumita o ibang source ng pagkakakitaan. Makakatulong kung magde-decide at magfo-focus kang gumawa ng something different o something na bago para sa iyo sa susunod na taon para makaiwas ka na malubog uli sa utang. Gusto mo ng bago? Nagtuturo ako ng ways para kumita online. Basahin mo ang artikulo kong: “Paano Ba Kumita Gamit ang Iyong Internet?
  3. Kung gumamit ka ng credit card sa paggastos ngayong holiday, make sure na:
    a. Hindi mo na muna uli gagamitin ito for a couple of months (o gupitin mo na ito kagaya ng suggestion ko sa aking artikulo na: “Matutong Mamaluktot Kahit Mahaba ang Kumot”)
    b. Huwag kang basta magbayad ng MINIMUM AMOUNT DUE. I-maximize mo ang bayad sa iyong monthly bill.
    c. Kung may extra cash ka pa, lagay mo ito sa mga investment instruments gaya ng UITF, MUTUAL FUND or Stocks.
    d. Para makadagdag sa pagbabayad, mag-garage SALE ka. Sabi nga sa Sulit-OLX, hanapin mo ang mga bagay na hindi mo na ginagamit mo at ibenta mo na. Post mo sa mga buy and sell website o di kaya e mag-lagay ka ng karatula sa harap ng bahay mo at i-display mo yung mga gamit na gusto mong ibenta.
  4. Dapat mong ma-realize na kailangan mong mag-budget. Basahin mong mabuti yung isinulat ko tungkol dito sa aking artikulong BUDGET 101. Kung kaya mo, gumawa ka ng budget for the whole year. Kung hindi mo kaya, patulong ka sa mga financial advisers or financial planners.
  5. Bago pa mag-December, mamili ka na ng mga tingin mo e pwede mong pang-regalo pagdating ng December para sa susunod na taon. Mas mababa ang halaga nito kumpara sa kung bibilhin mo ito ng bandang November o December. Parang bibili ka lang ng jacket. Gusto mong makatipid sa pagbili ng jacket? Bilhin mo ito sa Summer season. Dahil kapag sumapit na ang malamig na panahon, nagmamahal na ang presyo nito dahil dumadami na ang DEMANDS. Alalahanin mo palagi yung Law of Supply and Demand kapatid.
  6. Gusto mong makatipid talaga? Just say NO sa mga Christmas party na nagre-require pa ng costumes dahil sa mga mabobonggang themes. Naalala ko yung company Christmas party namin dati, may mga employees na talagang nag-rent pa ng isusuot nilang gowns at suits.
  7. Kung hindi maiiwasan na mangutang sa mga ganitong pagkakataon, maghanap ka ng mga PERSONAL LOANS sa bangko na may mababang interest rates per annum. May mga banks na nag-o-offer ng less than 9% per annum. Kaysa gamitin mo ang credit card mo na kung ku-kwentahin mo ay papatak sa 42% per annum. Yun nga lang, may process ang pag-a-apply sa mga personal loans dahil magsa-submit ka ng mga documents sa bank di gaya ng credit cards na magagamit mo agad kung kailan mo kailangan. Plus may mga certain fees din na dapat mong bayaran pagna-approve ang personal loans mo. Pero ang maganda sa panahon natin ngayon, mabilis na ang mag-apply ng personal loans. May mga banks na nag-o-offer ng 5 banking days na processing time at makukuha mo na yung perang inuutang mo.

financial holiday hangover ad 2

Siya nga pala, sa kabila ng season ito ng pagbibigay ng mga regalo at “Aguinaldo”, maging alerto rin naman tayo sa mga taong nakapaligid sa atin. Nagkalat din kasi sa panahong ito ang mga magnanakaw at hold-uppers dahil alam na alam nila na maraming tao ang nakatanggap ng BONUS sa panahon na ito. So kung magwi-withdraw ka ng pera sa ATM or banks o kung magpapalit ka ng pera sa mga money changers, be sure na palagi kang may kasama. “Watch your backs” ika nga.
Well, hanggang dito na lang muna, tandaan, hindi lang alak ang nakakalasing. Nakakalasing din yung sobrang pagsasaya. At sa sobrang pagsasaya, madalas ay nakakalimot tayo. Gusto mong maka-iwas sa Holiday Financial Hang-over? Huwag kang makalimot na mag-budget. Spend your money wisely this holiday season at ng hindi ka magkamot ng ulo from January to June. LoL! :D

Kung nag-enjoy ka sa article ko na ito at tingin mo e karapat-dapat itong i-share sa mga FB friends mo, share mo by clicking the buttons below:

Ooops, bago ko malimutan, in case na nagustuhan ninyo ang artikulong ito, at gusto niyo pang maka-tanggap ng mga artikulong may sense na kagaya nito, input nyo lang po ang inyong e-mail address sa form na nasa ibaba at si Green Stickman™ na po ang bahalang magpadala sa inyo ng mga updates.


SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Maaari Ka Nga Bang Kumita Kahit Natutulog?
NEXT TOPIC: Ang Matipid at Walang Gastos ng Bakasyon


May tanong ka ba o gustong idagdag? Post mo lang dito:(Kung ayaw ma-post, pwede ka pa ring mag-post sa pinaka-ibaba ng article na ito.)



Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some donation to keep this website alive by clicking the button below:

Be a Green Stickman™ fan. Click my Facebook "like" Button Here:
To all the people who clicked the "LIKE" button of my Fan Page, THANK YOU VERY MUCH! :D