Lazada Philippines
SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Ang Napakahalagang Yaman na Dapat Mayroon Ka
NEXT TOPIC: Handa Ka Na Ba Sa Holiday Financial Hangover?



Malamang isa ka sa mga nag-aabang at excited na lumabas ang artikulong ito. Well hindi lang ikaw ang excited. Excited din ako dahil alam kong makakatulong ito kung hindi man sa iyo ay sa ibang mga masugid na mambabasa ko. Bukod sa pagtulong ko sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagse-share ng knowledge about investments, hanggang sa pag-a-apply at pagpa-process mismo ng inyo-inyong mutual fund account accounts, ay nakita ko kung gaano karaming tao ang nagnanais na mag-invest pero hindi makapag-invest. Oo, hindi sila matuloy-tuloy sa pag-invest. Hindi dahil duda sila sa akin para i-proseso ang kanilang mga documents, kundi dahil wala silang extra cash para gawin ito. Mahirap nga naman mag BUDGET 101, kung wala namang iba-budget. Mahirap magbuo ng emergency fund kung walang extra cash. Kaya naisip ko, gagawa rin ako ng mga artikulo at grupo na makakatulong upang kumita ang mga kagaya nila upang finally e makapag-invest na sila sa mutual fund (O di kaya ay sa UITF o Stocks) na ipinapag-anyaya ko sa marami.

Bueno, bueno, huwag ka ng mainip, simulan na natin. Active at Passive Income, NOW SHOWING!… Hehehe…

“Kumikita ako kahit natutulog!

Madalas itong gamiting “pabida” ng mga nagne-networking o MLM business sa mga social media gaya ng Facebook para maka-attract ng kani-kanilang mga clients o bagong recruits. Ang tanong, may katotohanan ba, o pwede ka nga bang kumita kahit natutulog ka? Well, pwede naman… magpatay-patayan ka sa burol. Matulog ka sa ataol ng 3 gabi at tiyak e kikita ka mula sa iaabuloy ng mga dadalaw sa kunwaring lamay mo. Magpalit ka lang ng pangalan kada baranggay na lilipatan mo. Hahaha… Joke lang. Seriously, posible naman ito. Pero hindi ito nagagawa “over-night” o ng mabilis kagaya ng sinasabi ng iba na hinahaluan pa ng kani-kanilang mga pictures na nagpapaypay ng pera mula “kuno” sa kanilang kita. At sa artikulo kong ito ay ise-share ko sa inyo ang mga ilan sa ginagamit ko mismong mga paraan upang kumita kahit ikaw ay natutulog. Oo tama ang narinig mo, este ang nabasa mo. Posible ngang kumita ka kahit ikaw ay natutulog.


Active Vs. Passive Income

Bago ang lahat, dapat aware tayo na sa mundo ng “Finance” ay may 2 klase ng income. Ito nga ang Active Income at ang Passive Income. Ano ang pinagkaiba ng 2 ito?

ACTIVE Income
Ang active income ay ang kinikita mo mula sa iyong sweldo na makukuha mo mula sa pawis mo. Hindi yung pawis kapag nagja-jogging ka ang tinutukoy ko ha. Ang tinutukoy ko ay ang perang pinaghihirapan at pinagpawisan mo pagkatapos mong magtrabaho. Gaya halimbawa ng sweldo mo tuwing a-kinse at katapusan kung ikaw ay isang empleyado. O kung may maliit na kita ka mula sa iyong maliit na business na wala ka pang mga pinakikilos na tao. Sa active income bagay yung salitang “Working hard for MONEY.”. Kailangan mong paghirapan. Kung hindi ka magtatrabaho, wala kang datung. At kung walang datung, e malamang ikaw at ang pamilya mo ay gutom (O ha, nag-rhyme pa. hehehe…) Ganun ka-simple.
active and passive income ad 1
PASSIVE Income
Ano naman ang passive income? Ang passive income ay ang kabaligtaran ng active income. Pera ito na pwede mong makuha mula sa hindi mo pinaghihirapan dahil naghirap ka na ng malaki sa simula. Isang halimbawa nito ay kapag nakapagpatayo ka na ng apartment. Kung may mga tenante ka sa 4 na pinto ng iyong apartment at nagbabayad sila ng 5,000 pesos a month halimbawa, ibig sabihin meron kang 20,000 pesos na kita kada buwan ng wala kang ginagawa kundi maghintay at magpalipas ng panahon. Pero siyempre, naghirap ka naman kasi ng todo sa simula para maitayo yung apartment na iyon di ba (Well swerte mo kung may minana ka ng mga ganitong properties kaya ang problema mo na lang ay kung paano ito i-me-maintain at syempre ay ang iyong tax.)? At ito ay kung may mga tenante ka nga. Paano kung wala? Isa pang halimbawa nito ay yung pag-i-invest mo sa mga investment instruments gaya ng mutual fund, UITF, stocks, at marami pang iba. Dito karaniwang kumikita ang pera mo by capital appreciation at meron din naman na may bonus pang dividends. (Again, yung pera naman na ginamit mo dito ay galing sa iyong active income.) Dito naman bagay yung sinasabi nilang “Your money is working hard for you”. Ang saya nito dahil kumikita ka kahit nagkakamot ka ng… ulo. (anong nasa isip mo?…hehehe…). Kahit magkasakit at hindi ka pumasok sa trabaho, e kumikita ka pa rin.

Kaya madalas mababasa natin sa mga Financial Literacy books ang mga payong gaya nito:
“Don’t just work hard for money, make your money work hard for you”.


Financial Life Stages – Nasaang stage ka na ba?


Pretty much related sa active at passive income na ito ang mga financial life stages ng tao. Maaari natin itong hatiin sa 4 na stages.

  1. Start-Up Stage (Pasimula)
  2. Build-Up Stage (Pagbuo)
  3. Fine Tuning Stage (Pagtotono)
  4. Retirement Stage (Pagreretiro)


Start-Up Stage (Level 1)



Sa stage na ito, ang lahat ng source ng income mo ay nanggagaling sa pagbubuhos mo ng panahon, talent at skills mo. As in ang perang kinikita mo ay galing sa pawis at abilidad mo. At ang lahat ng pambayad mo sa iyong expenses (needs and wants) ay nanggagaling sa sahod mo. Kaya kung empleyado ka, panay ang abang mo ng a-kinse at katapusan. Maingat ka sa paggastos dahil baka sa susunod na cut-off e nag-e-SOS ka na sa mga magulang mo sa mga kamag-anak mo. In short, 100% Active Income ang source of funds mo.


Build-Up Stage (Level 2)



Sa stage na ito maaaring nagsa-sideline ka na para sa ibang business na gusto mo habang ikaw naman ay namamasukan pa din. Kung halimbawa natutustusan ng passive income mo ang 20% ng mga expenses mo, nandito ka pa sa stage na ito, ang ‘build-up stage’. Ibig sabihin, 80% na lamang ng exepenses ang kailangan mong tustusan para sa mga gastusin mo kada buwan mula sa active income mo.


Fine Tuning Stage (Level 3)



Kung kaya ng tustusan ng passive income mo ang kalahati o 50% ng iyong monthly expenses, nasa fine tuning ka na. Usually nasa 30 % to 60% ito. Kumbaga hati na halos ang active at passive income mo para masagot ang lahat ng gastusin mo kada buwan.


Retirement Stage (Level 4)



At ito ang pinakamasaya. Ang mabayaran mo ang lahat ng expenses mo sa pamamagitan lamang ng iyong passive income. Ang sarap ng pakiramdam na 100% ng expenses mo ay nababayaran mula sa iyong passive income. Buhay ka kahit hindi ka magtrabaho dahil kumikita ka kahit natutulog ka. Paano? Kasi may mga tao ka na pwede mong utusan para magtrabaho para sa iyo basta may kapalit na halaga. Na essentially e masasabi mong nagawa mo nga na ang pera mo ang nagtatrabaho para sa iyo.

—————————————–

Sa normal na scenario, kailangan mong daanan ang mga financial life stages na ito. Wala itong shortcut kung hindi ka naman galing sa mayamang pamilya. Kung mapapansin ninyo, hindi ko binanggit ang age bracket ng bawat stages na ito. Bakit? Dahil may mga tao kasi na bata pa lamang ay nasa Fine Tuning stage na agad siya. Meron naman, medyo may edad na halimbawa e malapit na siyang mag-50 years old, pero nasa Start-up stage pa rin siya. Depende ito kung gaano ka kasipag at ka-determinado na maabot ang retirement stage na binanggit ko.


Passive Income gamit ang internet?


Malamang ito na ang isang section na pinakahihintay mo kaya tuloy ka pa rin sa pagbabasa. Totoo ba na pwede kang kumita online gamit ang internet? Ang simpleng sagot ay oo. Otherwise ay hindi ako gagawa ng mga artikulong gaya ng nababasa mo ngayon kung hindi. Maraming paraan para kumita sa internet at ito ang ituturo ko sa iyo ngayon. May ginawa akong isang bagong grupo sa Facebook na pinangalanan kong Green Stickman’s PIG (Passive Income Generator).
Sa grupong ito ay tuturuan ko kayo kung paano kumita online bilang isang internet marketer. May mga ishe-share akong way para kumita kayo kahit natutulog ng hindi niyo kailangan ng malaking puhunan. At kung gusto mo ng mas malaking returns o kitaan, well yun ay nangangailangan ng paglabas mo ng pera (Natural lang na mamuhunan ka! Gusto mo ng mas malaking pera na hindi maglalabas ng pera, ano ka siniswerte? Yun ngang tumataya sa Lotto nag-e-effort at nagbabayad ng ticket di ba? Pero hindi rin naman malaking pera ang kailangan mong ilabas). At magtuturo ako doon ng tungkol sa Affiliate Marketing na ginagamit ng marami sa internet. At kung matulungan kong magkaroon kayo ng other source of income, e siguro naman ay may pag-asa na kayo na makapag-invest sa mutual fund? Kung kumikita ka na, balikan mo na lang ang artikulo kong “Paano Mag-invest sa Mutual Fund.”

Naalala ko tuloy yung nag-comment sa akin ng isang reader ko sa aking FB page ng mag-post ako tungkol sa BUDGET 101. Paano daw siya magba-budget e wala naman daw siyang ba-budget-in dahil sa sahod pa lang niya e kulang na para sa mga gastusin niya sa araw-araw. Tama nga naman. Kung kaparehas niya ang situation mo, ito ang sagot ko sa inyo, it’s either humanap ka ng ibang trabaho, o maghanap ka ng ibang source of income o mapagkakakitaan mo. Naalala niyo yung example ko na apartment sa taas? Magkakaroon ka ng passive income mula sa mga pinagawa mong apartment kung mayroon kang mga tenants right? Ganun din ang gagawin natin. Ang gagawin natin ay bubuoin natin yung “apartment mo sa internet” na magbibigay sa’yo ng tuloy-tuloy na income. Pero ang masaya dito, hindi limited sa 4 na pinto ang apartment na itatayo natin. Kung magsisipag tayo, maaaring “unli” ang pintuan ng virtual apartment na magagawa natin.
active and passive income ad 2
O paano? Magkita-kita tayo sa FB group na Green Stickman’s PIG (Passive Income Generator) ha! Maaari rin kayong magdagdag ng inyong mga kakilala sa nasabing grupo kahit hindi kayo admin.

Hindi muna ako magbibigay ng Green Stickman™ Tips sa artikulong ito. Dahil lahat ng tips tungkol sa passive income gamit ang internet ay ilalagay ko sa nasabing FB Group.

Tandaan, “you have to work hard for money… “ pero dapat dumating din yung time na masiguro mong “your money is working hard for you”. Hindi ito madali. Hindi ito nakukuha sa isang iglap at isang pitik. Pero kung hahayaan mong tulungan kita, at least hindi ka magmumula from scratch kagaya ng ginawa at dinaanan ko.

Ganito lang yan, noong pinipilit kong mag-aral mag-isa ng java programming, sobrang daming panahon ang ginugugol ko para matuto para matapos ang isang project na ginagawa namin sa dating kumpanya na pinapasukan ko. Until niyaya ako ng kasama ko sa trabaho na mag-enroll sa UP-ittc (Isang IT training center sa loob ng UP Diliman) para sa 42 hour course training. Pagkatapos ng training, nasabi ko, na yung mga itinuro sa amin ay hindi basta maituturo ng libro sa akin. Hindi kasi nakakapagdemo yung libro kung paano yung mga techniques at best practices na pwedeng gawin pag ginagawa mo ito sa actual.

Ganun din naman ang gagawin natin. Ako ang magsisilbing guro ninyo bilang internet marketer. Pagagaanin at paiikliin natin yung “learning curve” para matutunan ninyo ito ng mabilis. Hindi ito makukuha sa isang kisapmata, pero sure ako na kung masusunod ninyo ang lahat ng mga ise-share ko sa inyo, ay kikita talaga kayo gamit ang internet. At pag kumita kayo, pwede nyo pa rin ako contact-in kung kailangan nyo ng tulong para maayos ang iyong financial life goals at makapag-invest sa mga investment instruments gaya ng mutual fund. Na-gets mo ba yung big picture? Earn from your passive income, at yung passive income na ito ay ipapasok naman natin sa isa pang passive income (mutual fund) para tumubo naman yung perang kinita mo (Akalain mo nagamit ko naman yung word na “passive” ng 3 beses sa loob ng isang sentence? Hehehe…).

Hanggang dito na lang muna. Kung nag-enjoy po kayo sa aking mga akda at financial advises, at kung sa tingin mo ay karapat-dapat itong i-share at malaman ng mga tao, share mo naman sa mga kaibigan mo sa Facebook sa pamamagitan ng pagpindot sa mga buttons na ito:

Kung may katanungan kayo tungkol sa paksang ito o di kaya naman ay may gusto kayong idagdag para sa ikabubuti ng kapwa nating mga Pinoy, mag-comment lang po tayo sa baba ng artikulong ito (Ngayon ay pwede na rin po kayong mag-comment sa artikulong ito gamit ang inyong Facebook account).

Ooops, bago ko malimutan, in case na nagustuhan ninyo ang artikulong ito, at gusto niyo pang maka-tanggap ng mga artikulong may sense na kagaya nito, input nyo lang po ang inyong e-mail address sa form na nasa ibaba at si Green Stickman™ na po ang bahalang magpadala sa inyo ng mga updates.


SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Ang Napakahalagang Yaman na Dapat Mayroon Ka
NEXT TOPIC: Handa Ka Na Ba Sa Holiday Financial Hangover?


May tanong ka ba o gustong idagdag? Post mo lang dito:(Kung ayaw ma-post, pwede ka pa ring mag-post sa pinaka-ibaba ng article na ito.)


Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some donation to keep this website alive by clicking the button below:

Be a Green Stickman™ fan. Click my Facebook "like" Button Here:
To all the people who clicked the "LIKE" button of my Fan Page, THANK YOU VERY MUCH! :D