Okay, dahil madami na ang mga nagtatanong kay Green Stickman™ tungkol sa kung papaano ba makakapag-open at makakapag-invest sa mutual fund, minabuti kong gumawa na lang ng isang artikulo na pwede ninyong basahin upang malaman ang mga dapat ninyong malaman bago kayo makipag-usap sa akin ng masinsinan. Kahit na nandito lang kayo sa ‘Pinas o isang OFW na ang current location ay nasa abroad, matutulungan kayo ni Green Stickman™ na makapagsimula at makasali sa mga mutual funds na bagay sa inyo.

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, apat na importanteng bagay lang ang unang gusto kong malaman bago ka mag-invest sa mga mutual fund companies gaya ng Philequity, PAMI (Philam Asset Management, Inc.), FAMI First Metro Asset Management Inc.) at ATR KimEng Asset Management:

  1. Una, may TIN number ka ba? Kailangan kasi ng TIN number sa mga mutual fund companies kagaya ng Philequity, PAMI at ATR KimEng. Pero kung wala, ang tanging option lang na maibibigay ko sa iyo ay mai-invest mo ito sa FAMI. Kung wala kang TIN number at hindi mo trip ang FAMI for whatever reason, invest mo na lang muna sa ibang investment instrument ang pera mo na may less requirement kagaya ng UITF (Subukan mo basahin ang aking artikulong “Ang Pag-i-invest Sa UITF”) or stocks (Subukan mo rin basahin ang aking artikulong “Stocks 101”) . Pero kung may chance ka na makakuha ng TIN, kumuha ka. Hindi naman masamang magbayad ng tax. Ikaw rin baka habulin ka ni BIR Commissioner Kim. Hehe… :)
    Sa mga SEAMAN, sa totoo lang, hindi ako makapaniwalang wala kayong TIN. Dapat mayroon. Subukan niyo pong itanong sa agency o sa office ninyo dahil sila ang nagpa-process ng inyong mga documents. Nasasabi ko ito dahil meron din akong kaibigan na SEAMAN pero meron siyang TIN.
  2. Pangalawa, mayroon bang delivery service na malapit sa inyong lugar kagaya ng LBC, DHL, FedEx, etc.? Kung wala, sorry, hindi kita matutulungan. Kailangan kasi ng hard copies ng forms na may hand signatures kung mag-o-open ka ng account sa mutual fund.
  3. Pangatlo, mayroon bang remittance o bayad center na malapit sa inyong lugar kagaya ng Western Union, Palawan Express Padala, LBC Remittance, etc. Kung wala, pwede rin naman ang mga wire transfer o direct bank deposits. So long na mayroong kang ma-i-po-provide na copy or any proof na nagpasok ka ng pera sa fund na napili mo. Mahalaga ito kasi kailangan maipadala mo rin ang photocopy ng remittance slip (or any proof of payment kagaya ng wire transfer at direct bank deposit) along with the signed forms kapag pinadala mo na ito sa address na sasabihin ko sa’yo. Pero take note, special case uli yung sa FAMI. Dahil ang pagpasok ng pera sa FAMI ay via metrobank or online lamang. Sa mga SEAMAN, mag-send kayo ng PM sa akin para mapag-usapan natin kung anong diskarte ang pwedeng gawin.
  4. At ang huli, mayroon ka bang e-mail address ? Kung wala, e gumawa ka muna (e.g. yahoo, gmail, etc.). Kung nakagawa ka ng Facebook account, hindi malaking task ang gumawa ka rin ng e-mail (sinasabi ko ito dahil marami akong nakakausap na OFW na walang e-mail). Dito kasi ipapadala ng mutual fund company ang report tungkol sa investment mo.

Kung malinaw ang sinabi ko sa iyo sa item 1, at present naman sa iyo yung items 2 to 4, congrats, matutulungan nga kita na makapag-open at makapag-invest sa isang mutual fund kahit nasaan ka pa.
working abroad ad 1

SAAN TAYO MAGSISIMULA?

Well first of all, kelangan muna natin i-define kung ano ba ang investment objective mo? Kung nabasa mo yung artikulo kong “Investment 101”, ito ang kauna-unahan nating dapat alamin.

  1. Ano ang iyong investment objective?
    Para saan ba yung investment? Anong objective? Long term ba? Short term?
    Kung made-define mo ang financial life goal mo, madali nating made-decide kung saang fund natin ipapasok ang pera mo (e.g. retirement, educational fund ng anak, etc.). Para magka-idea kang mabuti tungkol dito, basahin mo rin yung artikulo kong “Ang Pagpa-plano ng Iyong Financial Life Goals”.
  2. Ano ang iyong investment Horizon?
    Hindi pare-parehas ang investment horizon. May short term , medium term at long term din ito. At karaniwan, naka-depende ito sa kung anong edad ka na. Siyempre kung nasa edad 50+ ka na, medyo iiwas ka na sa mga high risk investments kaya ilalagay natin ito sa mga funds na hindi ganoon kalaki ang risk.
  3. Ano ang iyong Risk Profile?

    Madali lang malaman ang risk profile mo dahil may papasagutan lang ako sa iyo na form para malaman ang risk appetite mo as an investor. Ipapadala mo ang form na ito along with the other forms ng fund na bagay sa iyo.

Paano ang Proseso?


Ito ang magiging “GENERAL PROCEDURE” natin, siguruhin mong basahin ang mga ito para hindi tayo magpabalik-balik at magpa-ulit-ulit:

  1. Kung desidido ka na talaga na mag-open ng account at maging isang ganap na Mutual Fund Investor, pwede mong i-download ang mga forms na nasa ibaba, depende sa kung ano ang mapag-uusapan natin sa Private Message o sa e-mail.

    I-download mo lang ang FORMS ng mutual fund company na mapag-uusapan natin by clicking any of these links:
    - Philequity
    - FAMI
    - PAMI
    - ATR KimEng
    NOTE: In order to protect my download link, kailangan niyo pong sumagot ng maikling survey from dollarupload bago ninyo ma-download ang isa sa mga mutual fund forms na ito. Kung may tanong o problema kayo sa pagda-download, mag-send lang po kayo ng email sa: greenstickman.official@gmail.com

  2. Fill-up-an mo lang ang forms na mapag-uusapan natin sa Private Message.
  3. Tandaan, napakahalaga ng mga SIGNATURES sa mga forms, ito ang huwag na huwag mong kalilimutan!
  4. Napakahalaga rin ng TIN number. Kung wala ka nito, made-decline ang application mo. (Again, special case kung FAMI ang kinuha mo.)
  5. Mag-photocopy ng valid ID at lagyan ito ng 3 signatures (2 valid IDs ang kailangan). Ang listahan ng mga valid IDs ay ang sumusunod (Take note, dapat e may picture mo yung ID. Yung bloom shot. O kaya 1×1 na whole body. Joke lang. Basta may pagkakakilanlan ng pagmumukha mo yung ID.):
    Passport, Driver’s License, SSS card, GSIS E-card, TIN ID, Phil Health Card, Professional Regulation (PRC) ID, Postal ID, Photo-bearing Barangay ID/Certification, Gov’t Office ID’s issued by Gov’t instrumentalities (ex. AFP, HDMF, DepEd, etc.), Firearms license, OWWA ID, Seaman’s Book, Police Clearance, Voter’s ID, Company ID, Alien Certificate of Registration (ACR)/ACR I-card, Immigrant Certificate of Registration, Senior Citizen or photo-bearing credit card.
  6. Kung mayroon kang beneficiary, kailangan din ng birth certificate ng iyong beneficiary. Kung may ID ang beneficiary mas mabuti kung mag-po-provide ka na rin ng photocopy.
  7. Sa ipapadalang forms, siguruhing mag-print ng 2 copies ng Signature Card ID at lagyan mo ito ng mga signatures.
  8. Kung matapos mo na ang form, i-scan mo ito o picture-an mo ito at ipadala sa e-mail na ito: greenstickman.official@gmail.com
  9. Intayin ang response ni Green Stickman™ para malaman kung may kulang o corrections sa inyong forms.
  10. Kung sabihin ni Green Stickman™ na ready na ito for sending. Pwede mo ng i-deposit o i-remit ang initial investment sa bayad center o banko na trip mo. Sa e-mail response na ipapadala ni Green Stickman™, makikita mo kung saang bank account mo dapat ipasok ang pera mo as an initial investment. Naka-indicate din sa email na ito kung saang ADDRESS mo ipapadala ang lahat ng mga requirements na ito.
  11. Siguruhin na i-photocopy ang remittance slip (or any proof of payment) dahil ipapadala mo itong kasama ng mga forms at photocopies ng IDs na may signatures. (Again, special case kung FAMI ang kinuha mo.)
  12. I-check mong mabuti ang lahat ng mga requirements. RECAP: Forms, photocopies of IDs with 3 signatures (2 valid IDs), photocopy of remittance slip (or any proof of payment)
  13. Kung okay na lahat punta ka na sa delivery services (e.g. LBC, DHL, etc.) at ipadala sa address na sinabi ni Green Stickman™ sa e-mail (yung address na sinabi ko sa item 10).
  14. Wala talagang pang number 14. Ayaw ko lang na magtapos ang last number ng process sa numero trese… hehehe… :D

Kapag naipadala mo na, hintayin mo lang yung e-mail na manggagaling sa mutual fund company na sinalihan mo. Sigurado may darating na e-mail sila na nagsasabing kasali ka na (kadalasan within 24 hours ang iintayin mo after na ma-i-book namin ito), at padadalhan ka rin naman nila ng mga updates. (e.g. Philequity – nagpapadala sila ng monthly updates, FAMI at PAMI – quarterly updates)

Sana ay malinaw sa iyo ang prosesong ito. At sana bago ka mag-open o mag-invest ng iyong mutual fund ay buo na rin ang iyong “emergency fund”. Subukan mong basahin ang aking artikulong: “Ang Pagbuo ng Iyong Emergency Fund”.

Kung gusto mong mabasa ang artikulo ko tungkol sa Mutual Fund, basahin mo ang aking artikulong: “Ang Pag-i-invest sa Mutual Fund“.

Kung mayroon ka pang mga katanungan tungkol sa pag-o-open ng mutual fund, mag-comment ka lang sa baba gamit ang iyong Facebook account. Kung wala ka namang FB, pwede ka pa ring mag-comment gamit ang comment section ng aking website sa dulong ibaba.

Tandaan, hindi lang para sa mayayaman ang pag-i-invest sa mutual fund. For as low as 5,000 pesos, pwede ring mag-invest ang isang simpleng Juan (at Juana…hehehe…) na kagaya mo.
Maraming Salamat at Happy Investing!

Kung tingin mo ay karapat-dapat itong i-share sa mga kaibigan mo para makapag-invest din sila, click mo lang ang mga FB buttons na nasa ibaba:

greenstickman The BLOG Compilation
For e-book orders, click HERE

For paperback orders, click HERE

May tanong ka ba o gustong idagdag? Post mo lang dito:(Kung ayaw ma-post, pwede ka pa ring mag-post sa pinaka-ibaba ng article na ito.)



Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some TIPS to keep this website alive by clicking the paypal button or sending Bitcoins to BTC address below:
paypalbtc
3HwMMYfNSWYSCa7fPtBoWKtW8mt9i6cpoe
btc
Click the QR Code or text above to copy the BTC Address.


OR better if you could support this website by buying my book (This is available both on paperback and e-book version)! A true Green Stickman avid reader would definitely have this one. Limited copies only for the paperback! So make sure to grab your copy.