SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Mag-a-abroad Ka Ba o Dito Na Lang Sa Pinas?
NEXT TOPIC: Financial Literacy Para Sa Ating Mga Chikiting



Kung wala ka pang asawa o “partner” sa buhay, malamang wala kang ganang basahin ito. Pero I am telling you, mas okay na magka-idea ka na bago ka pa magpatali sa iyong napupusuan. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na maraming pagsasama ang nasisira dahil sa problemang pang-financial. Ayon sa kaibigan kong barbero na magaling sa statistics (Uy hindi ito kwentong barbero. Bakit kamo hindi siya nagtrabaho na may kinalaman sa numero? Kasi trip niyang maggupit ng buhok, siguro binibilang din niya yung bawat hibla… o kaya sinasabi niya yung percentage ng puting buhok vs sa mga itim… hehehe… Joke lang) 70% ng paghihiwalay ng mag-asawa ay may kinalaman sa “financial problems”.

Okay lang kung nabubuhay tayo ng gaya sa panahon nila Adan at Eba na pipitasin lang ang pagkain at puro pag-ibig lang e buhay ka na. Sorry, pero sa panahon natin ay hindi ganoon. Halos lahat ng galaw mo e may bayad at may katumbas na halaga. Nabubuhay tayo sa panahon na ultimo pag-ihi sa ilang lugar kagaya ng mga sosyal na mall, e kailangan mong magbayad. Hindi pwedeng sabihin ng nanay sa anak niyang sanggol na nagugutom na: “Tahan na anak, mahal naman kita…”. Mother, timpla mo ng gatas at siguradong tatahan yan. Mabuti kung may gatas pa si mommy for breast feeding, kaso wala ng lumalabas. Kaya naman kailangan mo talagang bumili ng powdered milk para kay baby. At dito na magsisimula ang problema, kailangan na “BUMILI”, pero nasaan ang “PAMBILI”? Ah na kay Mister.

Walang problema kung responsableng tatay si mister. Pero kung siya yung tipong walang pakialam sa anak na imbes na gatas e inuuna pa ang pambili ng “alak” , naku may malaking problema ang pamilyang may ganitong klase ng setup.

Hindi masama sa isang mag-asawa ang pag-usapan ang pera. Pero masama kung ang pag-aawayan niyo ay tungkol sa pera. Merong mag-asawa, naglilihiman ng sweldo. May mga cases na ayaw ni mister na i-reveal ang kanyang salary. Hindi mo alam kung ang tinatago ba niya talaga e yung sweldo niya o utang. Kung parehas sila nagtatrabaho ni Misis, malamang okay lang kay Misis yung ganung setup. Payag siya basta ililihim din niya ang mga kita niya. Para bang wala silang tiwala sa isa’t isa. Well, wala akong pakialam sa setup ng ninyong mag-asawa, pero para sa aking personal na opinyon, kung talagang tiwala at mahal niyo ang isa’isa, hindi malaking bagay na ipagtiwala mo yung pera mo sa asawa mo. Kung yung sarili mo nga ibinigay mo ng buong-buo para sa asawa mo, yung sweldo o pera pa ba ang hindi mo maibigay sa kanya ng buo? Alin ba ang mahalaga at mas matimbang? Yung asawa o yung pera? Kung ang sagot mo e yung “asawa”, puwes simulan nyo ng mag-usap ng tungkol sa mga bayarin, utang, sahod, savings at investments. Kailangan niyo mag-audit at gumawa ng plano para sa hinaharap ninyo.

finance for couple ad 1

When 2 Become 1…


Okay hindi ako kakanata ng kanta ng Spice Girls. Wala itong pinagka-iba sa sinasabi ng banal na kasulatan tungkol sa pag-aasawa:

“…At ang dalawa ay magiging isang laman”.

Oo, considered as ONE lang kayo. Kung yung mga laman o yung flesh ninyo ay pinag-isa (kaya nyo nga nabuo si Junior di ba? Hehe…), yung savings account niyo pa ba naman ang hindi? Pero siyempre ang tinutukoy kong mag-asawa dito e yung nabuong mula sa tunay na pag-ibig (haaaaayyyy… Cloud 9 di ba?). Hindi ito applicable sa mga asawa na nakuha mo dahil pinaypayan mo ng pera at sinubuan mo ng gintong kutsara sa bibig (Attention mga readers kong Seaman! Alam kong hindi lahat e ganito ang style, pero marami ang gumagawa nito. Kung hindi rin lang kayo sure na sobrang mahal kayo ng babae, huwag niyo siyang bigyan ng kung anu-anong luho o huwag niyo basta ibahay tapos iiwan ninyo. Hindi binibili ang pag-ibig! Baka bandang huli e imbes na LOVE e HATE ang mamagitan sa inyo kagaya nung kwentong sumisikat ngayon sa Facebook na pinagpalit yung Seaman sa gwapong modelo. At lahat ng binigay ni kaibigang mandaragat e ginagamit nung mga nagtaksil sa kanya.). Hindi ito applicable sa mga social climber na masayang sumasayaw at nagpo-pole dancing kapag tumugtog ang kantang “Material Girl” ni Madonna. Kaya nga dapat, bago ka magpakasal, siyasatin mo muna yung mapapangasawa mo kung talagang mahal ka. Hindi baleng pumatol ka sa taong hindi mo masyadong mahal basta sigurado ka lang na ikaw e mahal na mahal niya. Tipong kahit anong mangyari e hinding hindi ka iiwan kahit magkasakit ka pa ng nakakahawa, tumaba, o bumaho pa ang hininga (nagsasabi lang ako ng realidad. Meron kasi pag tumaba na yung asawa niya, que babae o lalaki, e naghahanap na ng mas sexy sa asawa niya).

Okay tama na ang usapang puso, balik tayo sa usapang pera. Maging transaparent kayo sa inyong mga kinikita para sa tuwid na daan (Naks, parang programa ni PNoy lang). Whether si Mister lang ang nagtatrabaho, o si Misis lang ang nagtatrabaho (oo marami nito na ang kadalasan ay yung mga misis ang nagtatrabaho sa abroad, at si Mister ang “House Husband”. Mas bagay pa rin yung “House Wife”), o parehas kayo nagwo-work, mabuti na magbukas kayong mag-asawa ng isang savings account na JOINT “OR” ang account type. Isang passbook pero dalawang separate na ATM. Tapos apply ninyo online para updated kayo parehas kung magkano ang laman ng inyong mga accounts. Para hindi kayo nagkaka-bulagaan pag may nagtanong ng: “Sweetheart, wala na tayong pera?”.

Tandaan ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat o mas matagal. Maging tapat kayo sa isa’t isa sa lahat ng bagay lalu na sa pera at siguradong hindi kayo mapapabilang sa 70% na tinukoy nung barberong nabanggit ko kanina sa itaas.


Sino ba ang bread winner? At Sino ang dapat mag budget?


Sa normal na scenario, ang lalaki ang kadalasang “bread winner” ng pamilya. Sa isang matinong lalaki, masakit at tila ‘sampal’ kung siya ang palamunin ng asawa (Well yung ibang lalaki e nag-eenjoy sa ganun. Ako? Hindi!) Masakit kasi yung dating TIGAS ay nawawalan ng ‘S’. Yung dating tigas niya e nagiging TIGA-saing, TIGA-laba-TIGA-luto. Kaya naman pinipilit ng isang responsableng tatay na magtrabaho para sa pamilya. Kung yung lalaki ang nagtatrabaho at sumasahod, naarapat ba na siya din ang mag-budget? Sa totoo lang, dapat kung sino ang nakakaalam ng lahat ng expenses, siya dapat ang humawak ng pera at mag-allot ng kung saan napupunta at mapupunta ang bawat kusing o sentimo ng pera ninyong mag-asawa.

“Teka Green Stickman™, ako naghirap nun a, bakit ang asawa ko ang mag-ba-budget?”

Oo, tama yung nabasa mo. Bigay mo lahat yung sinahod mo sa misis mo. At pabayaan mong siya ang mag-budget ng lahat ng gastusin dahil siya ang naka-”hands-on” sa lahat ng gastos ninyo. Hoy, hindi madaling task ito ha. Mahirap ang mag-budget. Masakit s ulo yun. Hayaan mo na ang problemahin mo na lang e kung paano ka kikita ng pera. Hayaan mong si Misis ang mag-budget ng pera. Pero hindi naman ibig sabihin e tuwing sahod e abot ka lang ng abot kay Misis. Dapat every sahod din, i-o-audit mo naman siya kung tama ba ang budgeting na ginagawa niya. Appliable ito sa mga mag-asawang magkasama sa iisang bubong.

“Hmmm… Green Stickman™, may mag-asawa bang hindi nakatira sa iisang bubong?”

Meron. Isang halimbawa nga nito ay yung mga kababayan nating mga OFW. Pwede nyo pa ring gawin yung sinabi ko sa itaas na yung maiiwan ang magba-budget. Siguruhin mo lang na may takot sa Dios yung asawa mo. Tipong hindi ka lolokohin sa kahit anong mga baga at hindi ki-kick-back sa’yo. Siguruhin mong wala siyang ABS, hindi yung muscle sa tiyan ha, kundi yung

  • A-alak,
  • B-babae,
  • S-sugal

at iba pang mga bisyo. Ang best option dito, ay kagaya nung sinabi ko sa artikulo ko na “Mag-a-abroad Ka Ba o Dito Na Lang Sa Pinas?“. Bago ka umalis, isulat mo lahat yung gastos nyo (dapat naman kasi kahit wala ka balak mag-abroad e nagsusulat ka nito). Magakano ba yung kailangan para makaraos sa isang buwan? Halimbawa ang gastos ay 20k kada buwan, dagdagan mo na lang 25-50% pa para may extra sila. So, sa example natin, budget-an mo sila ng 25-30k. Gagawin mo lang ito kung hindi katiwa-tiwala at maraming bisyo ang asawa mo. Pero kung tiwala ka, walang problema kahit ibigay mo lahat at ibawas mo lang yung mga pangangailangan mo na ginagastos mo sa abroad. Marami pa akong payo para sa mga OFW sa aking artikulong ito (“Mag-a-abroad Ka Ba o Dito Na Lang Sa Pinas?“).

Mas madali kung magkasama ang mag-asawa para kita nila parehas ang labas at pasok ng pera. Walang chance para maka-kick-back o maka-delihensiya yung isa. Hehe…

Ganito, tuturuan ko kayong mag-asawa. Una sa lahat, nabasa niyo ba yung kauna-unahan kong artikulong Budget 101? Basahin niyo rin parehas para may idea kayo ng gagawin ninyo kung paano kayo magba-budget (Magsabayang bigkas kayo ng asawa mo para masaya.hahaha… ). Ngayon, kung nabasa niyo na, eto ang mga suggestion at tips ko para sa inyo:

finance for couple ad 2

Green Stickman™ Tips para sa Couple Finance

  1. Magtapatan kayong mag-asawa. Magsabihan kayo ng sahod, gastos, savings at pati na rin mga utang. Gawin niyo ito habang nagtititigan gaya ng una ng magtapatan kayong mahal ninyo ang isa’t isa… Mula rito ay makakagawa kayo ng isang budget spread sheet na tinukoy ko sa Budget 101.
  2. Kung sino ang taong bahay, siya ang dapat na mag-budget. Kung ikaw ang nagtatrabaho, pagdating ng sahod, ibigay ang lahat ng pera sa taga-budget, At humingi lang ng allowance na sapat at aabot hanggang sa next sahod mo. So kung ikaw ang nagtatrabaho, i-o-audit ka ng nag-budget kung tama ba yung “budget proposal” mo. Kung malaki masyado yung requested budget mo compare sa actual na gastos mo, dapat bawasan ng nagba-budget ang allowance mo.
  3. Magset kayo ng date kung kailan kayo magche-check at mag-o-audit sa isa’t isa. Pwedeng tuwing kinsenas din at katapusan. Basta twice a month din. Gusto niyo isabay niyo na rin sa dinner date ninyo, teka kelan ba kayo huling nag-date na mag-asawa? :)
  4. Kung maiayos ninyo ang budget spreadheet, gumawa na kayo ng Joint OR na savings account sa banko na gusto ninyo. Kung wala pa kayong savings account, ipunin niyo muna sa isang alkansya o malaking garapon. Sanayin ninyo ang inyong sarili na hulugan yun araw-araw. Bawal manungkit ng alkansya okay?
  5. Kung hindi maiwasan at talagang ayaw ninyong magsabihan ng sahod for whatever reason, gumawa pa rin kayo ng Savings Account na Joint OR ang type at lagyan niyo ito regularly ng specific or defined amounts kada sahod ninyo.
  6. Kung magbubuo kayo ng Emergency Fund, make sure na mabuo ninyo yung 6 months worth of expenses ninyo sa bahay. Basahin nyo ang aking artikulong “Ang Pagbuo ng Iyong Emergency Fund“. Pero this time bubuoin ninyong 2 ito as if isang tao lang kayo. Tapos pag umabot ito sa 10k or 20k, ilipat niyo ito sa UITF-Fixed Income Fund dahil bukod sa madali itong hugutin (usually 4 banking days ang redemption), mas mataas ang tubo nito kaysa karaniwang Savings Account. Basahin ninyo yung artikulo kong “Ang Pag-i-invest sa UITF“).
  7. Pagkabuo ninyo ng Emergency Fund, pag-usapan niyong mabuti ang inyong mga long term investments (e.g. Retirement fund, educational fund, etc.) at short term investments. Para madalian kayo, basahin ninyong mag-asawa ang artikulo kong “Ang Pagpa-plano ng Iyong Financial Life Goals“. Dapat nasa same page at same focus kayo na mag-asawa. For long term investments, go for Mutual Fund investments or Stocks investments. Make sure na naka JOINT OR din kayo sa mga investments na ito. Para kung sakaling may mangyari sa isa (ma-coma o ma-tsugi, example lang naman…), makakakilos pa rin yung isa. At mas okay naman na Joint OR, explain ko sa inyo ang sikreto pag mag-i-invest na kayo sa Mutual Fund. In case na mag-iinvest kayo, basahin niyo rin uung artikulo kong “Paano Mag-open ng Mutual Fund account?
  8. Pag-usapan at pag-isipan niyo ring mag-asawa kung paano kayo magkakaroon ng other source of income. Mas okay kung passive income ito. Baka maisipan niyo magtayo ng sariling negosyo, basahin niyo ang aking artikulong: “Ang Pagtatayo ng Sariling Negosyo
  9. Ipagtipon ninyong mabuti ang inyong mga anak. Think of their future. At huwag kayong umasa na sila ang “ticket” ninyo para makaahon kayo sa hirap. Walang obligasyon ang anak na ipagtipon ang kanilang mga magulang, kundi ang mga magulang ang may obligasyon na ipagtipon ang kanilang mga anak. Bonus at swerte niyo na lang na mag-asawa kung mabait at marunong na tumanaw ng utang na loob ang inyong mga anak pag lumaki at nagka-isip na siya. Kaya ngayon pa lang, taniman mo sila ng pag-ibig at kabutihang asal.
  10. Bilang mag-asawa, magpa-alalahanan kayo sa isa’t isa. Kung gastador ka, dapat matipid naman siya. And Vice-versa. Hindi okay na oo lang ng oo yung asawa mo pag may gusto kang bilhin na mga items lalu na kung medyo mahal ito. Basahin ninyo yung mga tips na binigay ko sa aking artikulong “Matutong Mamaluktot Kahit Mahaba ang Kumot
  11. Kung wala kayong idea tungkol sa tamang paghawak ng inyong mga pera, mas mabuti na maghanap kayo ng Financial Adviser o Financial Planner ninyo na pwedeng tumulong sa inyo sa pagde-desisyon kung paano ang gagawin ninyo sa inyong pera at upang maayos na mabuti ang inyong financial plans.
  12. Makakatulong din sa inyong pagsasama bilang mag-asawa ang palagi ninyong pagbabasa ng mga financial literacy books at articles tungkol sa personal finance gaya ng mga akda ni Green Stickman™

Hanggang dito na lang muna. Sana ay may natutunan at napulot kayong mga bagong bagay mula kay Green Stickman™.

Tandaan mas matimbang ang asawa kaysa sa pera. Sabi nga sa Biblia: “Ang pinagsama ng Dios ay huwag paghiwalayin ng tao.”. Kung hindi nararapat na paghiwalayan ng ibang tao ang mag-asawa, lalu namang hindi dapat na mapaghiwalay ang mag-asawa ng pera. Money is just a tool. At kailanman hindi ka dapat umibig sa isang “tool”. Ang paka-ibigin mo ay ang iyong asawa dahil hindi pwedeng tumbasan ng pera ang pag-ibig kailanman (Naks, serious ko ‘no?). Sa susunod ang pag-uusapan po natin ay tungkol sa financial literacy para sa ating mga anak.

Kung nag-enjoy po kayo sa aking mga akda at financial advises, at kung sa tingin mo ay karapat-dapat itong i-share at malaman ng mga tao, share mo naman sa mga kaibigan mo sa Facebook at Twitter sa pamamagitan ng pagpindot sa mga buttons na ito:

Ooops, bago ko malimutan, in case na nagustuhan ninyo ang artikulong ito, at gusto niyo pang maka-tanggap ng mga artikulong may sense na kagaya nito, input nyo lang po ang inyong e-mail address sa form na nasa ibaba at si Green Stickman™ na po ang bahalang magpadala sa inyo ng mga updates.


SHOW ALL TOPICS: Go to Main Page
PREVIOUS TOPIC: Mag-a-abroad Ka Ba o Dito Na Lang Sa Pinas?
NEXT TOPIC: Financial Literacy Para Sa Ating Mga Chikiting


May tanong ka ba o gustong idagdag? Post mo lang dito:(Kung ayaw ma-post, pwede ka pa ring mag-post sa pinaka-ibaba ng article na ito.)



Is this post helpful? If it does, please help me to publish quality articles like this. Send some TIPS to keep this website alive by clicking the paypal button or sending Bitcoins to BTC address below:
paypalbtc
3HwMMYfNSWYSCa7fPtBoWKtW8mt9i6cpoe
btc
Click the QR Code or text above to copy the BTC Address.


OR better if you could support this website by buying my book (This is available both on paperback and e-book version)! A true Green Stickman avid reader would definitely have this one. Limited copies only for the paperback! So make sure to grab your copy.